Ogie Diaz, hanga sa kabutihan ni Chad Kinis na tumutulong sa ilang foundation

Ogie Diaz, hanga sa kabutihan ni Chad Kinis na tumutulong sa ilang foundation

- Hanga umano si Ogie Diaz kay Chad Kinis na tahimik na tumutulong sa ilang foundation

- Aniya, nagdo-donate si Chad mula sa kanya mismong sahod sa mga grupo na tumutulong sa kababayan nating may breast cancer patients at tila munting red cross na maaring mag-donate ng dugo

- Bilib umano si Ogie Diaz kay Chad na nagagawang magbahagi ng biyayang tinatamasa niya

- Matatandaang umani na rin ng papuri si Chad sa publiko dahil sa pag-ako niyang ng responsibilidad sa pamangkin na hindi na pinanagutan ng ama nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hayagan ang pagsasabi ni Ogie Diaz ng paghanga niya umano sa kabutihan ng puso ni Chad Kinis.

Ogie Diaz, hanga sa kabutihan ni Chad Kinis na tumutulong sa ilang foundation
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI isa pala umano si Chad sa mga tahimik na tumutulong sa Dugong Alay, Dugtong buhay at Kasuso Foundation.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

"Si Chad ang isa sa mga consistent na tumutulong sa Dugong Alay, Dugtong buhay 'yung parang small red cross at 'yung Kasuso foundation para sa mga breast cancer patients. Lagi siyang ano, nagdo-donate ng kanyang sweldo doon kaya tuwang-tuwa ako kay Chad kasi consistent talaga siyang makatulong."

Hindi raw umano kasi alam ng mga tao na likas na matulunging tao ni Chad na bukod sa pagbibigay saya sa mga tao bilang komedyante ay nakatutulong din ito na maging maayos ang buhay ng iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuang pahayag ni Ogie ukol sa kabutihan ni Chad mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 2.19 million subscribers.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang Ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi raw umano ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama. Dahil dito, umani lalo ng papuri si Chad dahil sa kahanga-hanga niyang pagmamahal sa pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica