Chad Kinis, bongga ang mga regalo sa kanyang Baby Rica Lorice sa 1st month nito

Chad Kinis, bongga ang mga regalo sa kanyang Baby Rica Lorice sa 1st month nito

- Bongga ang mga regalo ni Chad Kinis sa kanyang baby na si Rica Lorice

- Sa unang buwan , nag-unbox siya ng mga ipinamili niyang gamit at damit ni Baby RL

- Talagang tinodo ni Chad ang mga ipinamili niya sa kanilang baby na pangmatagalan na rin ang gamit

- At dahil magpa-Pasko na, nagparamdam na rin si Chad sa mga ninong at ninang ni Baby RL at ilan nga dito ay ang mga kasama niya sa Beks Battalion at Beks friends

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super excited si Chad Kinis na ipinakita ang mga ipinamili niyang gamit para sa kanyang baby na si Rica Lorice na one-month old na.

Matatandaang kamakailan, ibinahagi ni Chad na nanganak na ang kanyang ate at itinuring na niya itong sarili niyang anak.

Sa first month ni Baby "RL", ipinakita ni Chad ang mga ipinamili niyang mga gamit at damit sa kanilang baby.

Read also

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

Chad Kinis, bongga ang mga regalo sa kanyang Baby Rica Lorice sa 1st month nito
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Facebook

Newborn pa lang ay talagang pam-fashionista na raw ang kanyang piniling damit kay Baby RL.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit one-month old lamang din ito, naibili na rin ito ni Chad ng training cups.

At dahil sa nalalapit na ang kapaskuhan, nagparamdam na rin sila sa mga ninong at ninang ni Baby RL at ilan sa mga ito ay ang kasama niya sa Beks Battalion na sina MC Muah at Lassy gayundin ang kanilang mga Beks Friends.

"Ngayon pa lang po, nagpaparinig na ako sa mga ninong, Kuya MC kuya Lassy, Tonton, Tetay, Miss O, Kitty... Beke nemen ha beke nemen,"ani Chad.

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel