Zeinab Harake, tuwang-tuwa nang biglang tumayo ang anak na si Bia sa kanyang photoshoot

Zeinab Harake, tuwang-tuwa nang biglang tumayo ang anak na si Bia sa kanyang photoshoot

- Nagulat ngunit natuwa ang online personality na si Zeinab Harake nang biglang tumayo ang kanyang Baby Bia habang nasa photoshoot

- 10 months na ang kanyang baby Bia na dinamitan niya ng 'Rapunzel' para sa monthly photoshoot nito

- Sa umpisa'y tila aligaga ang super cute na baby na ayaw isuot ang headdress nito para makumpleto ang kanyang Rapunzel look

- Ngunit maayos na natapos ang shoot at nakunan din nila ang isang milestone kung saan nakatayo na itong mag-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng marami ang super cute na photoshoot ng anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Baby Bia.

Nalaman ng KAMI na para sa buwang ito, binihisan ni Zeinab ng 'Rapunzel' costume si Baby Bia.

Zeinab Harake, tuwang-tuwa nang biglang tumayo ang anak na si Bia sa kanyang photoshoot
Baby Bia (Photo: Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Facebook

Kitang-kita ang malaking pagbabago nito na ngayo'y tila excited na sa kanyang photoshoot na naibahagi sa YouTube channel ng kanyang mommy Zeinab Harake.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Sa umpisa, nagagawa pa nitong alisin ang kanyang headdress na kukumpleto sa kanyang Rapunzel look.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang matapos ang ilang kulitan muna nila ng kanyang Mommy Zeinab at Daddy Sauce, game na game na nagpa-picture si Bia.

Tuwang-tuwa si Zeinab gayung panay na ang ngiti ni Baby Bia sa camera.

Lalo na nang bigla na lamang itong tumayo na nakunan naman ng kanyang Daddy na siyang ilang buwan na niyang photographer sa kanyang monthly shoot.

Sa gulat at tuwa ni Zeinab, tila nanghina siya dahil nakunan nila ang isang milestone na kanilang Baby Bia at ito ay ang pagtayo niya na mag-isa.

Narito ang kabuuan ng masayang photoshoot ni Baby Bia na ilang buwan na lamang ay 1 year-old na:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11.9 million YouTube subscribers.

Read also

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

Kilala rin si Zeinab sa pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Bukod dito at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Isa rin sa pinakaabangan sa kanyang channel ang buwanang photoshoot ng kanyang Baby Bia. Noong nakaraang buwan, nag-ala Elsa ng Frozen naman ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel