Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

- Kinagiliwan ng mga netizens ang selfie ni Sue Ramirez kamakailan na kuha bago umano ang eksena sa 'The Broken Marriage Vow'

- Ito ang kanyang suot sa pinakaaabangang komprontasyon sa gitna ng kanyang karakter at ni Jodi Sta. Maria

- Si Sue ang gumaganap na other woman sa serye na sinusubaybayan ng marami ngayon dahil umano sa husay ng pagganap ng bawat artista

- Ang 'The Broken Marriage Vow' ay ang Philippine adaptation ng 'Doctor Foster' at ng "A world of Married Couple"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang selfie ni Sue Ramirez na kuha umano bago ang pinakaabangan nilang eksena nina Jode Sta. Maria sa teleserye nilang 'The Broken Marriage Vow.'

Sa kanyang post noong Marso 6, ibinahagi ni Sue ang kanyang mirror selfie sa kanyang pag-OOTD check bago ang mainit na komprontasyon ng karakter nila ni Jodi kung saan kinakailangan niya itong sapakin.

Read also

Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online
Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online (@sueannadoodles)
Source: Instagram

Sa isang interview ni Sue sa ABS-CBN, nasabi ni Sue na nag-aalangan pa talaga siyang saktan si Jodi.

Ngunit dala ng eksena, kinakailangan niya itong gawin. Labis naman silang hinangaan sa naturang eksena na ipinalabas lamang kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

One take lamang daw ito ngunit kitang-kita ang husay ng bawat karakter.

Ayon sa netizens, kahit nakakagigil umano ang role ni Sue, labis naman silang humanga sa pagganap nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bravo ghorl! napakahusay niyo po"
"Wala kang itapon sa bawat artista na nasa serye. Ang gagaling nila"
"Galing mo Ate Sue... Kahit ganun charater mo, bet ko naman acting mo!"
"Sue how to be you po? Ang huhusay niyo po"

Si Sue Ramirez ay isang Kapamilya aktres sa bansa. Bahagi siya ng teleseryeng pinagbibidahan nila nina Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria.

Read also

Jillian Ward, kinabiliban dahil sa pinamalas na husay nito sa pagbirit

Ginagampanan niya ang role ni Lexy Lucero na siyang other woman ng karakter ni Zanjoe na si David Ilustre.

Naging usap-usapan kamakailan ang kanyang confrontation scene kasama sina Zanjoe at Jodi pati na rin ang mga gumaganap na magulang niya sa serye na sina Rachel Alejandro at si Art Acuña.

Isa umano ito sa mga pinakaaabangang scene ng mga tagapanood mula pa noong ipinalabas ang trailer nito noong Enero ng kasalukuyang taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel