Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000

Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000

- Nakapanayam ni Karen Davila si Madam Inutz sa mismong tahanan nito sa Cavite

- Nakita rin niya mismo kung saan ginagawa ni Madam Inutz ang kanyang live selling

- Sa pagkamangha, pinakyaw lahat ni Karen ang paninda ng celebrity online seller

- Matapos pakyawin, ipinamigay nila ito sa mga kapitbahay ni Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakyaw ni Karen Davila ang mga paninda ng celebrity online seller na si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na si Madam Inutz ang pinakabagong nakapanayam ni Karen sa kanyang YouTube channel.

Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000
Karen Davila, pinakyaw ang mga paninda ni Madam Inutz sa halagang nasa Php10,000
Source: Facebook

Sinadya talaga ni Karen si Madam Inutz sa tahanan nito at doon nakita niya kung saan mismo nagaganap ang online selling nito.

Sa labis na pagkamangha, naisipan ni Karen na bilhin na lahat ang paninda ni Madam na Php40 bawat isa na lamang niya ibibenta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ayon kay Karen, $200 ang kanyang kabayaran sa lahat ng paninda na papalo sa Php10,000 kaya marami pa rin umanong sobra sa ibinayad nito.

Matapos ding pakyawin, ipinamahagi nila ang mga damit sa mga masuswerteng kapitbahay ni Madam Inutz.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Kamakailan ay marami rin ang humanga lalo sa aktor na si Donny Pangilinan dahil sa mga naibahagi niya sa interview sa kanya ni Karen Davila.

Samantala, si Madam Inutz naman ay unang nakilala sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta online. Sa kabila nito marami ang naging viewers at followers niya sa social media na naging daan para siya ay makilala ng manager na si Wilbert Tolentino.

Una niyang naging proyekto ang pagpasok sa Pinoy Big Brother kung saan naging bahagi siya ng Final 5. Nang makalabas sa bahay ni Kuya, sunod-sunod pa rin ang mga proyekto ni Madam kabilang na ang recording ng kanyang mga kanta gayundin ng music video nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel