Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

- Masayang inanunsyo ni Madal inutz ang lalabas na music video ng kanyang bagong kanta na may pamagat na 'Marites'

- Bukod pa rito, apat pang mga kanta ang naka-line up para sa kanyang recording ng mga ito

- Laking pagpapasalamat niya sa manager niyang si Wilbert Tolentino sa sunod-sunod na proyekto na kanyang tinatamasa

- Nasabi rin ni Madam na isasabay niya ang kanyang pagda-diet habang kinakabisado ang mga kanta at bilang paghahanda na rin sa kanyang gagawin na music video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Excited na inanunsyo ni Madam Inutz ang mga susunod niyang proyekto ngayong nakalabas na siya sa bahay ni kuya.

Nalaman ng KAMI na apat ngayon ang naka-line up na kanta ni Madam Inutz na kanyang ire-record.

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang single na 'Marites'
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sa kanyang post, makikitang nagre-recording na siya para sa bagong ilalabas niyang kanta na may pamagat na 'Marites.'

Read also

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

"Kaya abangan niyo mga Inutz ang music video na ilalabas ng Inutz niyo. "Marites" ang pamagat ng kanta at makaka-relate kayo mga chismosang kapitbahay"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pasasalamat din ni Madam Inutz sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino na siyang naghanda ng mga proyekto para sa kanya.

"Love you sir Wilbert Tolentino. Ibang klase ka magtrabaho at proud na proud ako dahil napakahusay mo at wala kang sinasayang na oras"

At bilang paghahanda sa kanyang mga recording, magda-diet na rin daw si Madam Inutz habang kinakabisado niya ang kanyang mga ilalabas na bagong kanta.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Wil Dasovich, hindi nakaligtas sa pag-mention ng netizens sa post ni Alodia Gosiengfiao

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Kabilang si Madam Inutz sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10 kung saan dalawa ang hinirang na Big winners na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Matatandaang noong Kapaskuhan, inilabas ang ikalawang kanta ni Madam Inutz na 'Sangkap ng Pasko' kung saan itinampok ang kanyang buong pamilya sa music video nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel