Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

- Ikinuwento ng Beks Battalion ang dahilan kung bakit wala silang upload na video sa kanilang channel kamakailan

- Inamin naman ni Lassy na siya umano ang dahilan kung bakit ilang linggo na namahinga ang kanilang grupo

- Inakala ng marami na problema ang dahilan subalit agad naman nilang sinabi na may kaugnayan ito sa masayang love life ni Lassy

- Naintindihan naman daw ito nina Chad Kinis at Mc Muah na masaya para sa kanilang kaibigana na nasakasama ang mga mahal sa buhay noong Kapaskuhan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Seryosong mga mukha ng Beks Battalion na sina Lassy, Chad Kinis at Mc Muah ang bumungad sa kanilang pinakabagong vlog.

Nalaman ng KAMI na inamin ni Lassy na siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion.

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan
Sina Chad Kinis, Lassy at Mc Muah (Photo from Beks Battalion)
Source: Facebook

"Dahil sa mga pansarili ko, na pinili ko na gawin ito pero nakaapekto na pala ako," pahayag ni Lassy na inakala ng marami na matinding problema ang pinagdadaanan nito.

Read also

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

Subalit agad nilang sinabi na binigyan lamang nila ng oras si Lassy para makasama nito ang kanyang kasintahan na dumating galing ibang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makalipas daw kasi ng dalawang taon, noon lamang nakasama ni Lassy ang kanyang boyfriend na kanyang sinurpresa sa pagbabalik nito.

Siniguro niya na magkaroon ng oras para rito at maging sa kanya ring pamilya.

Masaya niyang kinuwento ang mga nangyari sa kanyang bakasyon kasama ang mahal sa buhay.

At ngayong nakabalik na umano si Lassy kasama sina Chad at MC, asahan daw ng kanilang mga subscribers ang mga bago nilang video.

Si Lassy Marquez ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Chad Kinis at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

PBB Nathan at PBB Raf, kinagiliwan ng netizens sa dati nilang video

Kamakailan, ginulantang ng isa sa mga kasama ni Lassy sa Beks Battalion na si Chad Kinis ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel