IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

- Hindi nakaligtas sa mapanuring mga netizens ang post ni Seth Fedelin kahit limang araw na ang nakakalipas nang ipost niya ito sa Instagram

- Ito ay sa gitna ng paglabas ng isyu kaugnay sa pag-unfollow nina Francine Diaz at Andrea Brillantes sa isa't-isa

- Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo nina Francine at Seth kaugnay sa isyu na lumabas matapos mag viral ang picture ni Seth kasama sina Francine at ang pamilya nito

- Usap-usapan din na maging si Seth ay wala na rin sa following list ni Andrea sa Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakahuling Instagram post ni Seth Fedelin, muling dumami ang nagkomento dahil na rin sa pagkakadawit niya sa panibagong isyu. Ito ay nagsimula nang unang lumabas ang picture niya kung saan kasama siya sa pictures ni Francine Diaz at ng kanyang pamilya.

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz
Seth Fedelin (@imsethfedelin)
Source: Instagram

Hindi naman malinaw kung para kanino ang mensahe ni Seth sa kanyang IG post kung saan sinabi niyang, "Biruin mo sa laki ng mundo NATAGPUAN KITA."

Kalakip ito ng kanyang dalawang pictures na kuha sa dagat. Wala naman siyang kasama sa kanyang binahaging pictures ngunit kapansin-pansin marami sa mga netizens ang nag-mention kay Andrea noong bago pa lang ito na-post.

Sa pag-uugnay sa kanya kay Francine, marami na ang nagtanong kung para kanino niya iyon sinasabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagulat dahil ang kilalang kalapit ni Seth ay ang kanyang kaparehang si Andrea Brillantes. Dahil sa madalas silang makitang magkasama sa mga social media posts nila, marami ang nag-akalang may namumuong pagtitinginan sa kanila.

Gayunpaman, kahit noong pinapalabas pa ang Kadenang Ginto, mayroon na ring mga sumusuporta sa tambalang Francine at Seth kahit hindi pa kailanman sila naipapareha. Sa katunayan, ang tawag ng mga fans nila sa tamabalan nila ay FranSeth samantalang Sethdrea naman ang sa tambalang Seth at Andrea.

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang Pinoy actor at performer. Una siyang nakilala sa showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Otso. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng ilang mga teleserye kagaya ng Kadenang Ginto at Huwag Kang Mangamba.

Sa paglabas ng picture ni Seth kung saan kasama niya si Francine at ang pamilya nito, naging usap-usapan ang pag unfollow nina Francine at Andrea sa isa't-isa sa Instagram.

Sa isang post ay inudyukan ni Xian Gaza sina Seth at Francine na magsalita tungkol sa isyu.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel