Francine Diaz at Andrea Brillantes, hindi na naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

Francine Diaz at Andrea Brillantes, hindi na naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

- Matapos mag-viral ang picture kung saan makikitang kasama si Seth Fedelin sa picture kung saan naroroon din si Francine Diaz, marami ang naintriga

- Dahil kilalang malapit sina Seth at Andrea Brillantes bukod pa sa sila ang magkapareha sa mga serye nila, napansin ng netizens na hindi na naka follow si Andrea kay Francine

- Muli itong nag-follow nang mag-viral ngunit naka unfollow din uli kinalaunan maging si Francine

- Marami naman sa kanilang mga fans ang umaasang maayos ang dalawa kung mayroon man silang tampuhan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hot topic ngayon sa social media ang pag unfollow nina Francine Diaz at Andrea Brillantes sa isa't-isa sa Instagram. Kasunod ito ng paglabas ng picture sa social media kung saan kasama si Seth kasama ang pamilya ni Francine.

Francine Diaz at Andrea Brillantes, nag-unfollow sa isa't-isa sa Instagram
Seth Fedelin and Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Bilang kapareha ni Seth sa mga serye, marami ang naintriga kung anong nangyari bakit hindi si Andrea ang kasama niya. Dito na at napansin ng netizens na hindi na naka follow si Andrea kay Francine sa IG.

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Kinalaunan ay maging si Francine ay hindi na rin naka follow kay Andrea. Nag-follow back si Andrea ngunit naka unfollow na uli ito. Dahil dito ay lalong naintriga ang pagkakaibigan ng dalawa na nagkasama na rin sa maraming mga palabas kagaya ang Kadenang Ginto at Huwag Kang Mangamba.

Marami naman sa kanilang mga fans ang umaasang maayos ang dalawa kung mayroon man silang tampuhan. Magkakasama silang apat sa mga vlogs nila sa Gold Squad kaya marami na rin ang sumusuporta sa kanilang pagkakaibigan. Unang nabuo ang Gold Squad sa Kadenang Ginto kung saan magkapareha sina Francine at Kyle Echarri habang si Andrea naman ang kapareha ni Seth.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel