Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

- Isa sa pinagpiyestahan ng mga netizens kamakailan ay ang TikTok video ni Andrea Brillantes na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 11 M na views

- Sa naturang TikTok video, makikitang sinasabayan ni Andrea ang awiting “Lose You to Love Me” ni Selena Gomez

- Isang netizen na may alias na Steph Mat ang nagsabing sana raw ay nakipag-usap muna si Andrea sa dalawa bago ito nag-drama

- Ito ay kaugnay sa pagputok ng isyu tungkol sa umano’y namamagitang relasyon sa pagitan ng co-members niya sa Gold Squad na sina Francine Diaz at Seth Fedelin

- Hindi naman ito pinalampas ni Andrea at sinagot niya ang komentong ito ngunit kinalaunan ay binura niya rin ang kanyang komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa mahigit 11M ang views ng TikTok video ni Andrea Brillantes na kanyang na-post kasunod ng pagputok ng isyu tungkol sa umano’y namamagitang relasyon sa pagitan ng co-members niya sa Gold Squad na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video
Seth Fedelin and Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Isang netizen na may alias na Steph Mat ang nagsabing sana raw ay nakipag-usap muna si Andrea sa dalawa bago ito nag-drama. Hindi naman ito pinalampas ni Andrea at sinagot niya ang komentong ito ngunit kinalaunan ay binura niya rin ang kanyang komento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapag-screenshot ng kanyang sagot.

Matatandaang unang lumabas ang isyu matapos lumabas ang picture ni Seth kung saan kasama niya si Francine at ang pamilya ng dalaga. Dahil dito, marami ang naintriga lalo at mas nakasanayan ng marami na si Andrea ang palaging kasama ni Seth hindi lamang sa mga serye kundi maging sa mga social media posts nila.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel