Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

- Pinare-report ni Andrea Brillantes ang umano'y poser na gumawa ng fake account niya

- Isa umano sa mga nai-post ng fake account ay ang pag-aaya ng poser ng 'shot' dahil sa legal age na raw ito

- Tila naalarma ang aktres at ibinahagi ang account na nagpapanggap na siya

- Kasalukuyang usap-usapan ngayon si Andrea Brillantes matapos na kumalat ang mga larawan ng ka-love team na si Seth Fedelin kasama si Francine Diaz at pamilya nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Poser!" ani Andrea Brillantes sa post ng account na @itsAndreaB_. Tila naalarma ang aktres lalo na sa nai-post kamakailan ng nagpapanggap na siya.

Nalaman ng KAMI na ang naturang poser ay nag-aya ng 'shot' sa isang post bagay na pinagdudahan naman ng mga fans ni Andrea.

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account
Photo: Andrea Brillantes
Source: Facebook
"I think hindi si Andrea to. Hihihihi"

Read also

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

"No way, hindi magpost si blythe ng ganito"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi po si Andrea ito, hindi ito ang official Twitter account niya"

Dahil dito, agad namang naglabas ng post ang aktres at ipinakita ang post at ang pangalan ng umano'y fake account.

Ibinahagi rin ni Andrea ang kanyang official Twitter page na "https://twitter.com/iamandrea_b" upang hindi na malinlang ang mga gustong mag-follow sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang teleserye sa ABS-CBN. Mas lalo siyang nakilala sa pagganap niya bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa hindi matatawarang tagumpay nito. Siya rin ang tinaguriang most followed celebrity sa TikTok.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Kamakailan ay gumawa ng ingay ang pangalan ni Andrea matapos na matanong din umano ito sa mga kumakalat ngayong larawan ng ka-love team na si Seth Fedelin na kasama si Francine Diaz at pamilya nito.

Kuha umano ang mga larawan sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng pamilya ni Francine kung saan present si Seth.

Matapos ito, marami ang nakapansin sa pag-unfollow nina Andrea at Francine sa isa't isa sa Instagram.

Gayunpaman, wala pa ring lumalabas na pahayag lalo na kay Seth kung bakit nakasama siya ng pamilya ni Francine base sa mga larawang kumalat sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel