Wil Dasovich, hindi nakaligtas sa pag-mention ng netizens sa post ni Alodia Gosiengfiao

Wil Dasovich, hindi nakaligtas sa pag-mention ng netizens sa post ni Alodia Gosiengfiao

- Hindi nakaligtas sa mga pang-me-mention si Wil Dasovich sa social media post ni Alodia Gosiengfiao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kalakip kasi ng kanyang ibinahaging picture ay ang caption kung saan nakalagay ang mga salitang "Hi. Ako nga pala yung sinayang mo "

- Maging ang kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiengfiao ay nakitukso rin at nagtanong kung i-ta-tag na daw ba niya

- Sumagot naman dito si Wil at sinabing huwag na at alam niyang iinit ang kanyang phone sa magiging notifications na matatanggap niya

Sa kanyang Facebook post kung saan nagbahagi siya ng kanyang picture na kuha sa West Hollywood, CA, United States, marami ang naintriga sa caption ni Alodia Gosiengfiao. Kalakip kasi ng kanyang ibinahaging picture ay ang caption kung saan nakalagay ang mga salitang "Hi. Ako nga pala yung sinayang mo."

Read also

IG post ni Seth Fedelin, viral kasunod ng paglabas ng picture nila ni Francine Diaz

Wil Dasovich, hindi nakaligtas sa pag-mention ng netizens sa post ni Alodia Gosiengfiao
Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito ay marami ang nag-mention kay Wil Dasovich na kilalang huling nakarelasyon ni Alodia. Maging ang kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiengfiao ay nakitukso rin at nagtanong kung i-ta-tag na daw ba niya. Sumagot naman dito si Wil at sinabing huwag na at alam niyang iinit ang kanyang phone sa magiging notifications na matatanggap niya.

Matatandaang kinumpirma ni Alodia ang tungkol sa kanilang paghihiwalay kamakailan. Wala namang direktang pahayag si Wil kaugnay dito ngunit marami ang nagsasabing ang kanyang ibinahaging vlog na kuha sa Nepal ang kanyang mensahe kaugnay sa kanilang paghihiwalay.

Marami ang nanghinayang sa kanila lalo at kasama ni Wil si Alodia kahit noong tinamaan siya ng sakit hanggang sa tuluyan na itong gumaling.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi ng video ni Mantsong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel