Jillian Ward, kinabiliban dahil sa pinamalas na husay nito sa pagbirit

Jillian Ward, kinabiliban dahil sa pinamalas na husay nito sa pagbirit

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jillian Ward ang isang video kung saan makikita siyang kumakanta sa loob ng isang silid

- Base sa kanyang caption, hindi niya alam na kinukuhanan pala siya ng video ngunit natawa na lamang ito nang makitang naka-video siya

- Bukod sa ganda ng kanyang boses, kapansin-pansin din ang taas ng kanyang pagbirit

- Marami sa mga fans niya ang nagulat at lalong humanga sa talentong pinamalas ng kanilang idolo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa kanyang taglay na ganda, hindi rin maipagkakailang talentado ang dalagang si Jillian Ward. Sa kanyang ibinahaging video, marami ang bumilib sa husay nitong bumirit.

Jillian Ward, kinabiliban dahil sa sobrang husay nitong bumirit
Jillian Ward (@jillian)
Source: Instagram

Makikitang nasa loob siya ng isang silid habang nakaupo sa harap ng piano at may hawak na aso. Kahit nakaupo ay hindi ito nahirapang bumirit ng mataas na kanta.

Read also

Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan

Base sa kanyang caption, hindi niya alam na kinukuhanan pala siya ng video ngunit natawa na lamang ito nang makitang naka-video siya.

Marami sa mga netizens ang nagulat na ganoon pala kataas ang boses niya dahil mas madalas lamang siyang mapanood na umaarte sa nga serye at pelikula.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Wowww ..nagulat ako lalo na sa huli ..galing mo po kumanta @jillian hanggang ngayon naririnig ko pa yung birit
Nasayo na halos lahat @jillian pls mag Tira para sa iba ok? Labyu! Marunong umarte + magandang boses = talented, bonus na ang kagandahansanaol
So good so beautiful, that smile. What a gorgeous voice like an angel that can sing high notes! Te amo mayiram! Oh yes, I love this young pretty girl, from her young age - little cutie girl until now - she's a grown up beautiful girl, super adorable, humble, beautiful young actress

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siy6a bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Matatandaang, nataranta ang kasamahan niya sa isang taping ng kanyang serye nang mag-prank siya. Nagkunwari siyang hinimatay. Samantala, kung una siyang sumikat bilang isang child star, handa na umano si Jillian na sumabak sa mga seryosong roles.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel