Baby Bia ni Zeinab Harake, nag-ala 'Elsa' ng Frozen sa kanyang 9th month photoshoot

Baby Bia ni Zeinab Harake, nag-ala 'Elsa' ng Frozen sa kanyang 9th month photoshoot

- Super cute muli ni Baby Bia na anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee sa kanyang pinakabagong photoshoot

- Siyam na buwan na si Bia at excited na ang kanyang Mommy Zeinab dahil malapit na siyang magdiwang ng first birthday

- Ngayong buwan, nag-ala Elsa si Bia na tila sanay na sanay na ngayong makipagkulitan sa camera

- Lalo na at ang kanyang Daddy Daryl na ang kumukuha ng pictures niya sa photoshoot kaya naman mas kampante itong mag-smile sa camera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa pinakabagong video ni Zeinab Harake kung saan nag-ala 'Elsa' ng Frozen ang kanyang Baby Bia sa photoshoot nito.

Nalaman ng KAMI na siyam na buwan na Bia at napili ng kanyang mommy si Elsa bilang Disney Princess ang theme niya buwan-buwan.

Baby Bia ni Zeinab Harake, nag-ala 'Elsa' ng Frozen sa kanyang 9th month photoshoot
Baby Bia (Photo from Zeinab Harake)
Source: Facebook

Subalit tila mas excited na sila para sa first birthday ni Bia na malapit na nilang ipagdiwang at ilang buwan na lang daw nilang gagawin ang monthly photoshoot.

Read also

Buko vendor na nanghiram ng CP para makasali sa 'Pera Usog' ng LOL, nanalo ng kotse

Super cute ni Bia sa kanyang Elsa costume at masayang nakipagkulitan sa kanyang Daddy Skusta Clee na siyang kumukuha ng pictures niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'Di tulad ng dati na madalas tulog lamang si Bia sa photoshoot, ngayon, panay smile at mabilis na rin silang natatapos.

Isa ang photoshoot na ito sa pinakaabangan ng mga subscrubers ni Zeinab mula nang dumating sa kanila ang pinakamagandang blessing sa kanila na si Baby Bia.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kilala rin si Zeinab sa pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Bukod dito at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Read also

Alex Gonzaga, di makapaniwalang #1 trending ang video nila ni Toni Gonzaga sa YouTube

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Matatandaang noong Kapaskuhan, ilang celebrity vloggers ang kanyang naimbita upang maglaro sa kanyang mga challenge at ang mapapanalunan ay ibibigay nila sa masuwerteng Zebbies na nagpadala sa kanila ng email para makahingi ng tulong, sa kanila man o sa kakilala nilang hirap o naghihikahos.

Ilan sa mga celebrity na nakasama sa challenge ni Zeinab ay sina Kim Chiu, Luis Manzano, Ivana Alawi at VIce Ganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel