K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika

K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika

- Naglabas na ng video si K Brosas na nagpapakita ng kanyang kalagayan mula sa aksidente

- Magkasama sila ni Pokwang sa Amerika nang maganap ang car accident

- Siniguro ni K na pareho silang ligtas ni Pokwang para na rin sa ikapapanatag ng loob ng mga nagmamalasakit sa kanila

- Nasa Amerika ang dalawa para sa isang show at itutuloy umano nila ang pagtatanghal dahil hindi umano sila napahamak sa nasabing aksidente

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naaksidente sina K Brosas at Pokwang na kasalukuyang nasa Amerika ngayon para sa isang show.

K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika
K Brosas kasama si Pokwang (@kbrosas)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update si K sa sinapit nilang aksidente at sinigurong nasa maayos silang kalagayan.

Sa kanyang Twitter, siniguro niya sa publiko na nakaligtas sila ni Pokwang at iba pa nilang kasama sa nangyari.

Ipinakita rin niya ang itsura ng kanilang sasakyan na laking pasalamat nila na ito ay may kalakihan dahilan para hindi sila gaanong maapektuhan sa pagkakabangga sa kanila umano ng isa pang sasakyan.

Read also

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL!" tweet ni K.

Sunod niyang ibinahagi ang larawan ng mga sasakyan matapos ang aksidente.

Sa isang video naman na ibinahagi rin ng News5, idinetalye ni K ang pangyayari na nakunan pa umano ng video ng isa nilang kasama. Hindi na lamang nila ito isinapubliko.

Mabilis din umanong dumating ang ambulansya at agad na natingnan ang kanilang kalagayan.

Nakilala si K Brosas sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang susportado ng kanyang mga tagahanga.

Read also

Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'

Naging bahagi si K sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong naghuling habilin na siya.

Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel