Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'

Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa engagement ni Angeline Quinto at Nonrev Daquina

- Matapos kasi ang pagsasapubliko nila ng kanilang balak na pagpapakasal, sinundan naman ito ng isyu

- Ani Ogie, mas mainam na maging masaya na lamang para sa dalawa at sa anak ng mga ito na si Sylvio

- Pangarap din umano ni Angeline ang kasal na ito kaya naman nararapat lamang na huwag nang panghimasukan pa ang kaligayahan ng singer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs ang engagement nina Angeline Quinto at Nonrev Daquina kamakailan.

Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'
Sina Angeline Quinto, Nonrev Daquina at ang kanilang baby Sylvio (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami ang nakapansin sa singsing ni Angeline sa isa niyang Instagram post na kasama rin si Nonrev at baby nilang si Sylvio.

At kaakibat nga ng magandang balitang ito at ang isyu patungkol sa umano'y naunang mga anak ni Nonrev sa iba.

Read also

K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika

"Siyempre sinasabi ng iba o pano yung mga anak, ilan ba 'yung mga anak ni Nonrev? Okay lang ba 'yun kay Angeline? Diyos ko!" bungad na pahayag ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Unang-una wala namang kasalanan 'yung mga bata, Pangalawa, nauna kay Angeline 'yung mga bata. Bago pa nakilala ni Nonrev si Angeline, may mga anak na sa iba itong si Nonrev. And the mere fact na papakasalan ni Nonrev itong si Angeline dapat matuwa na tayo at iyon naman ang wish ni Angeline,
"'Wag nang gawing isyu yan basta matuwa na lang tayo," payo pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

Ina ni Herlene Budol, aminadong na-disappoint sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022

Kamakailan ay binigyang puri ni Ogie si Matteo Guidicelli sa pagiging proud husband nito kay Sarah Geronimo. Hanga umano siya sa pagmamahal at pag-aalaga ni Matteo kay Sarah na kitang-kita naman sa singer/actress ang saya nito sa buhay may-asawa. Todo rin kasi umano ang suporta ni Matteo lalo na at magbabalik na sa pagtatanghal si Sarah.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel