Ogie Diaz, sinabing magkakaroon umano ng noontime show si Toni G sa AMBS

Ogie Diaz, sinabing magkakaroon umano ng noontime show si Toni G sa AMBS

- Nabanggit ni Ogie Diaz na magkakaroon umano ng noontime show si Toni Gonzaga sa AMBS network

- Aniya, hindi pa umano sigurado ang proyekto ni Korina Sanchez sa nasabing network subalit ang dinig niya'y si Toni G ang sigurado na umano

- Kaya naman may posibilidad na makatapat ng nilulutong show ni Toni ang 'It's Showtime

- Bukod dito, magkakatapat din sina Toni G at si Vice Ganda sa gagawin nilang pelikula para sa Metro Manila Film Festival

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga latest chika ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ay ang pagkakaroon umano ng noontime show ni Toni Gonzaga sa AMBS network.

Toni Gonzaga
Photo: Toni Gonzaga
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na unang napapabalita si Korina Sanchez na magkakaroon 'di umano ng programa sa nasabing network na pagmamay-ari umano ni Manny Villar.

Read also

Back-to-back na LOL at It's Showtime, katapat 'di umano ng magiging noontime show ni Toni G

Subalit sinabi ni Mama Loi na kasama naman ni Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel na pinabulaanan na ito ng batikang news anchor at sinabing open umano ito sa anumang proyekto.

"Pero ang nabalitaan ko ay si Toni Gonzaga ang nandoon," ani Ogie Diaz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Mama Loi, kung matutuloy na noontime show ang proyekto ni Toni, matatapat ito sa It's Showtime ni Vice Ganda. Tila magiging prelude umano ito ng pagtatapat ng dalawa sa Metro Manila Film Festival.

Magkakaroon daw kasi ng pelikula si Vice kasama ang Social Media Superstar na si Ivana Alawi habang si Toni at makakasama naman ni Joey De Leon sa isang proyekto. Pareho ang mga ito na entry sa Metro Manila Film Festival.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

Maliban sa mga latest Showbiz Updates, nagbibigay inspirasyon naman ang interviews ni Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay ang kilalang half man skateboarder na si Kevin Almazan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel