Back-to-back na LOL at It's Showtime, katapat 'di umano ng magiging noontime show ni Toni G

Back-to-back na LOL at It's Showtime, katapat 'di umano ng magiging noontime show ni Toni G

- Back-to-back na mapapanood ang Lunch Out Loud at It's Showtime sa TV5

- Kaugnay nito, sinasabing makakatapat ng mga ito ang sinsabing noontime show 'di umano kung saan si Toni Gonzaga raw ang magiging host

- Bukod dito, isa sa nakikitang eksena ay ang posibilidad na pagkikita ng mga It's Showtime host at dating direktor nito ngayong nasa TV5 na rin ang Kapamilya noontime show

- Bukod dito, sinasabing makakatapat din ng pelikula ni Vice Ganda ang pelikula ni Toni G na pawang may mga entry sa Metrp Manila Film Festival

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento sina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs kuagnay sa back-to-back time slot umano ng Lunch Out Loud at It's Showtime.

Back-to-back na LOL at It's Showtime, katapat 'di umano ng magiging noontime show ni Toni G
Ang mga host ng Lunch Out Loud at It's Showtime (Lunch Out Loud PH/ It's Showtime)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bahagi na 'di umano ito ng merging ng ABS-CBN at It's Showtime.

Read also

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Update, ipinaliwanag ni Ogie ang magaganap sa pagsasa-ere na rin ng TV 5 sa It's Showtime.

"Dati kasi sa ABS-CBN, ang back-to-back ang It's Showtime saka 'yung kay Willie Revillame. 'Yung 11 o'clock tapos 12 to 2:30," paliwanag ni Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tanong naman ni Mama Loi, paano kung magkita umano ang mga kasalukuyang It's Showtime host at si Direk Bobet Vidanes.

Matatandaan kasing lumipat ang naturang direktor sa TV 5 upang hawakan ang Lunch Out Loud. Kaugnay nito, may nasabi pa ang direktor patungkol umano sa pagiging toxic sa trabaho.

Samantala, nabanggit din nina Ogie Diaz ang posibleng proyekto ni Toni Gonzaga sa AMBS network. Sinabi nitong nabalitaan niyang magiging host ito ng isang noontime show sa nasabing network.

Paliwanag naman ni Ogie D, maaring magkita lamang ang direktor at mga It's Showtime host kung parehong magiging live ang dalawang programa sa tanghali.

Read also

Donnalyn Bartolome, humingi ng dispensa sa baby-themed photoshoot niya

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Maliban sa mga latest Showbiz Updates, nagbibigay inspirasyon naman ang interview ni Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay ang kilalang half man skateboarder na si Kevin Almazan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel