Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

- Ibinahagi nina Aubrey Miles at Troy Montero ang tungkol sa kanilang anak na si Rocket

- Emosyonal na naikwento ni Aubrey ang kanilang pinagdaanan mula nang malamang may autism spectrum disorder ang kanilang anak

- Inamin niyang nasisi umano niya ang kanyang sarili ngunit kinumpirma naman ng doctor na wala umanong kaugnayan ito sa naging kalagayan ng anak

- Gayunpaman, buong puso na nilang tinanggap ang sitwasyon lalo na at nakikita naman nila umano na lumalaking masayang bata ang bunso nilang si Rocket

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nitong 'Toni Gonzaga Studio', matapang na nagbigay detalye ang mag-asawang sina Aubrey Miles at Troy Montero ng tungkol sa kanilang bunsong anak na si Rocket.

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket
Photo: Troy Montero at Aubrey Miles kasama ang kanilang mga anak na sina Hunter at Rocket (@milesaubrey)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos nilang isapubliko kamakailan ang kalagayan ng kanilang anak na may Autism Spectrum Disorder, ikinuwento naman ng mag-asawa kung paano nila nakumpirma ito at kung paano nila dinala ito bilang isang pamilya.

Read also

Ruffa Gutierrez, sinabing nang-aaway ng ibang kasamahan ang umalis na katulong

Inamin pa ni Aubrey na dumating pa sa puntong nasisi niya ang sarili sa sinapit ng anak.

"Si Rocket is diagnosed with Autism Spectrum Disorder. We discovered, siguro I felt it na one year and a half pa lang. Because alam ko e, I have two kids so napi-feel ko 'yung alam ko 'yung development ng kids. So for her, parang iba siya," panimula ni Aubrey.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"You want to blame yourself as a mom... Ako ba yan? What did I do?" pag-amin ng aktres nang minsan niyang sisihin ang sarili dahil sa sinapit ng anak.

Gayunpaman, buong puso nilang tinanggap ito lalo na ng kapatid ni Rocket na inakalang walang iba sa kapatid.

"After the diagnosis, for me I was thinking, she laughs, she plays with us. She still a breath of fresh air when you see her. She's so happy. And I'm like, if this is autism for us, I'll be okay with it," ayon naman kay Troy.

Read also

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Toni Gonzaga:

Sina Troy Montero at Aubrey Miles ay celebrity couple ng Pilipinas. Nito lamang June 9 ng kasalukuyang taon, ikinasal ang dalawa makalipas ang halos dalawang dekada na pagsasama. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Hunter at Rocket.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel