Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

- Naikwento ni Luis Manzano na noon ay "kuyang manyak" umano ang tawag sa kanya ng misis na si Jessy Mendiola

- Aniya, ang tinadhana ay talagang mangyayari kagaya na lamang ng nangyari sa kanila na ngayon ay mag-asawa na

- Ito ay nang mapag-usapan nila sa kanyang video ang tungkol sa usapan tungkol sa mga taong itinadhana

- Inamin naman ni Jessy na selosa siya noong unang taon nila bilang magkasintahan dahil umano sa pagiging malapit ni Luis sa mga babae

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Luis Manzano, naniniwala siyang ang tinadhana ay talagang mangyayari. Nabanggit niyang hindi niya inakalang magkakatuluyan sila ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" umano ang tawag sa kanya noon.

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon
Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon (@senorita_jessy)
Source: Instagram
“Ang tinadhana ay talagang mangyayari. Sino bang mag-aakala ang tawag sa akin dati ‘kuyang manyak’?”

Paliwanag naman ni Jessy, kaya ganoon ang kanyang impression kay Luis noon ay dahil sa pagiging malapit nito sa mga babae.

Read also

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

“Kaya ako selosa nung first two years namin kasi smooth talker, ang daming kaibigan na mga babae and very out there. So parang ako, ‘Ang manyak naman nito kaya [napakalapit] sa babae."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Samantala, hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang isang Facebook post kung saan binahagi ang mga pictures ng ilang sikat na groom na umiyak sa araw ng kanilang kasal. Ito ay sa kasagsagan ng lumabas na balita kaugnay sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre. Isa lamang si Jason sa mga grooms na ito at sa naturang post ay kasali pa ang picture ng asawa ni Jessy na si Luis na emosyonal din sa araw ng kanilang pagpapakasal. Ani Jessy, sana ay huwag pagtawanan ang mga heartbreak ng ibang tao dahil aniya ay mabilis ang karma.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy ang isang video kung saan pinanood nila ni Luis ang ilan sa matuturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV." Kabilang sa kanilang pinanood ay ang kontrobersiyal na panayam kay Jessy noong panahong nakakatanggap siya ng matinding bashing. Ani Jessy, ganun ang nangyayari kapag hindi nagiging totoo sa sarili kaya aniya kung may babaguhin siya sa kanyang ginawa noon, iyon ay sana mas nagpakatotoo na lang siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel