Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

- Napilitan si Donnalyn Bartolome na ilabas ang iba pang tinago niyang ebidensiya para sana protektahan umano ang kanilang pamilya

- Gayunpaman, aniya sa tagal ng kanyang pananahimik ay tuloy pa din siyang sinisiraan kaya aniya ay sumusobra na ang vlogger na si Jose Hallorina

- Nilabas niya ang audio recording ng naging pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie kung saan sinabi umano ng kanyang lola na hindi din nito nagustuhan ang pangingialam ni Jose sa kanila

- Aniya, hindi niya na inilabas ang naturang audio recording para maprotektahan ang kanyang lola noon at maging si Jose umano ay pinagtakpan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na nakapagpigil si Donnalyn Bartolome matapos muling ilabas ni Jose Hallorina ang video ng kanyang lola. Kaya naman, minabuti niyang ilabas ang aniya'y mga ebidensiya para maipagtanggol niya ang sarili.

Read also

Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie
Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie (@donna)
Source: Instagram

Ani Donnalyn, hindi din nagustuhan ng kanyang Mama Josie ang umano'y pangingialam na ginawa ni Jose sa kanilang pamilya. Maririnig sa binahaging audio clip ni Donna na nagsabi ang kanyang Mama Josie na umaayaw siyang ilapit ni Jose ang kanyang kalagayan sa pamilya niya.

Mismong si Donnalyn ang nagsabi sa audio clip na patawarin na lamang nila si Jose.

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie
Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie (facebook.com/profile.php?id=100044447409135)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Read also

Annabelle Rama, kinaaliwan s akanyang prangkang komento sa isang contestant

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel