Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie

Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie

- Muling nilabas ni Jose Jallorina ang video na una niyang binahagi noon kung kailan una niyang nakita ang lola ni Donnalyn Bartolome na si Nanay Josie

- Sa naturang video ay kinuwestiyon ni Jose ang umano'y pamimigay ni Donnalyn ng bahay at milyon-milyon sa ibang tao at napabayaan naman umano niya ang kanyang kadugo

- Aniya, bakit ito naging homeless uli matapos nilang i-turn over umano sa pamilya niya si Nanay Josie

- Si Jose Hallorina ay isang YouTube content creator na mayroong mahigit 2 million subscribers sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinariwa ni Jose Hallorina ang unang pagkakataoon na nakilala niya si Nanay Josie nang makita niya ito sa lansangan. Sa naturang video ay kinuwestiyon ni Jose ang umano'y pamimigay ni Donnalyn ng bahay at milyon-milyon sa ibang tao at napabayaan naman umano niya ang kanyang kadugo.

Read also

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie
Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie (@donna)
Source: Instagram

Matatandaang ito ang video na binahagi niyang pinamagatang “Lola ng Sikat Na YouTuber namamalimos." Wala itong binaggit na pangalan ngunit kinalaunan ay sumagot na rin si Donnalyn matapos siyang makatanggap ng pambabatikos. Matatandaan ding nagkausap na ang magkabilang panig noon kaya ikinagulat ng marami ang muling paglalabas ng video ni Jose.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel