Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya

Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya

- Binahagi ni Serena Dalrymple ang ilang pictures kung saan suot niya ang sash na may nakasulat na "bride-to-be"

- Kasama niya rin ang mga kaibigan niyang babae sa ginanap niyang bachelorette party na ginanap sa Willamette Valley, Oregon

- Matatandaang nitong Mayo lang ay binahagi ni Serena ang tungkol sa nakatakda nilang pagpapakasal ng kanyang fiance ngayong taon

- Sa isang post naman nitong unang araw ng Agosto ay tila may pa-count down pa ito sa espesyal na araw nila na aniya ay dalawang buwan na lang ay magaganap na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Serena Dalrymple ng ilang picture na kuha sa bachelorette party niya. Base sa kanyang Instagram post ginanap ang bachelorette party niya sa Willamette Valley, Oregon.

Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya
Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya (@sdalrymple)
Source: Instagram

Bukod sa suot niyang sash na may nakasulat na "bride-to-be," nakasulat din sa caption ang hashtag na #bacheloretteparty.

Read also

Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na naglabas ng saloobin sa pagkawala ng dalaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nitong Agosto lamang ay nagbahagi si Serena ng picture nila ng kanyang fiance kalakip ang mga salitang "2 months to go!"

Matatandaang nitong Mayo lang din nang binahagi ni Serena ang tungkol sa nakatakda nilang pagpapakasal ng kanyang fiance ngayong taon na nakilala niya sa isang dating app noon. Bumuhos naman ang pagbati sa dating child star na kahit hindi na aktibo sa showbiz ay sinusubaybayan pa ring ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang social media posts.

Si Serena Gail Dalrymple ay isang Filipino-American actress na tumigil sa pag-aartista mula noong taong 2004. Naging bahagi pa rin siya ng pelikulang "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat" noong 2008 at "Ang Tanging Ina Mo" noong 2010.

Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nakasubaybay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account. Taong 2020 nang ibahagi ni Serena ang isang picture niya noong isa siya sa mga child star sa showbiz. Ito ay sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-30 na kaarawan.

Read also

Vice Ganda, sinabak ang mga co-hosts niya sa "bad dog challenge"

Sa kanyang naunang post, nagbalik-tanaw ang dating child star. Aniya, apat na taon na ang nakakalipas nang maka-match niya sa isang dating app ang kanyang fiancé. Naibahagi niya rin na nakatakda na silang ikasal ng kanyang fiancé ngayong taon. Bumuhos naman ang pagbati para sa dating aktres na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang tagahangang sumusubaybay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel