Bernadette Sembrano, todo puri si Jane De Leon; "You're very nice"

Bernadette Sembrano, todo puri si Jane De Leon; "You're very nice"

- Napuri ni Bernadette Sembrano ang pinakabagong Darna na si Jane De Leon

- Ito ay nang makasama nila ito bilang guest host ng TV Patrol bago pa man maisa-ere ang teleserye

- Ipinakita ni Bernadette ang behind the scenes ng pagiging host ni Jane na first time masalang sa news show

- Nilarawan niyang 'very nice' at 'very accommodating' si Jane at sana'y hindi raw magbago ang aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ng ABS-CBN News Anchor na si Bernadette Sembrano ang pinakabagong Darna na si Jane De Leon.

Bernadette Sembrano, todo puri si Jane De Leon; "You're very nice"
Bernadette Sembrano kasama ang pinakabagong Darna, Jane De Leon (Bernadette Sembrano YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Bernadette ang mga ganapan behind-the-scenes nang maging guest host si Jane ng TV Patrol bago maisa-ere ang Darna noong Agosto 15.

Makikitang excited ang lahat ng bumubuo ng TV Patrol gayung makakasama nila si 'Darna.'

Mapapansing lahat halos ng lumapit kay Jane ay kanyang binati at pinaunlakan na magpa-picture kasama niya.

Read also

Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At nang matapos nga itong mag-host, bahagyang nakapanayam siya ni Bernadette.

"'Wag kang magbago, you're very nice. Sana 'wag magbago, very accommodating," ani Bernadette at agad naman pinasalamatan ni Jane.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Bernadette Semabrano:

Si Jane de Leon ay isa sa mga kilalang bagong aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group na GirlTrends, na mapapanood noon sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN tulad ng "Halik," "La Luna Sangre," at maging ang katatapos lamang na "FPJ's Ang Probinsyano."

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Read also

Cristy Fermin sa umano'y kalagayan ni Julia Montes; "Alam namin 'pag nagdadalang-tao"

Dumaan sa Hollywood style na acting workshop si Jane para lamang sa iconic role. Naikwento rin ni Jane sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na talagang naging emosyonal siya nang isuot pa lang ang helmet na bahagi ng costume niya bilang si Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel