Darna ni Jane De Leon, pumalo sa halos 300,000 ang mga nanood sa kanilang pilot episode

Darna ni Jane De Leon, pumalo sa halos 300,000 ang mga nanood sa kanilang pilot episode

- Marami ang nag-abang sa pilot episode ng teleseryeng Darna ngayong Agosto 15

- Pumalo sa halos 300,000 ang bilang ng mga nanood sa YouTube live at sa Facebook

- Matatandaang naikwento ni Jane De Leon, ang bida at gumanap na Darna na talagang naging emosyonal siya sa pagsuot ng kanyang costume

- Sumailalim din si Jane sa matitindi at Hollywood style na acting workshop

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumuhos ang mga sumuporta sa mga tagapanood sa Pilot episode ng teleseryeng Darna nitong Agosto 15 ng gabi.

Darna pilot episode, pumalo sa nasa 296,000 ang concurrent viewers
Sina Joshua Garcia, Iza Calzado at Jane De Leon (Kapamilya Online live)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pumalo sa mahigit 296,000 ang concurrent live viewers na tumutok sa unang gabi ng pinakaabangang teleserye.

Ayon sa Kapamilya Online World, nasa 282,000 ang live viewers sa YouTube habang nasa mahigit 14,000 naman ang mga nanood sa Facebook.

Bukod pa ito sa mga tumutok sa kanilang mga telebisyon gayung mapapanood din ito sa TV5.

Read also

Lolo na naglalako ng mga gamit sa bahay, naluha sa saya sa natanggap na biyaya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang gabi pa lang, matitinding eksena na agad ang napanood at nakitang si Iza Calzado pa ang siyang 'Darna'.

Marami ang nagsabing kapana-panabik ang maaring mangyari sa serye at marami rin ang hindi na makapaghintay na makita si Jane na suot ang Darna costume.

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Congratulations sa bumubuo ng Darna. unang gabi pa lang, ang intense na"
"Magaling ang pagkakagawa. Pilot EP pa lang panalo na. Kudos sa cast"
"May bago na kami susubaybayan. 'Di pa ba magcostume si Jane?"
"Sa totoo lang naintriga lang ako kaya ako nanood, pero di ko namalayan natapos ko na ang first ep, kaya bukas ulit at sa susunod pang mga araw! Susubaybayan ko na 'to"

Samantala, si Jane de Leon ay isa sa mga kilalang bagong aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group na GirlTrends, na mapapanood noon sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN tulad ng "Halik," "La Luna Sangre," at maging ang katatapos lamang na "FPJ's Ang Probinsyano."

Read also

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Dumaan sa Hollywood style na acting workshop si Jane para lamang sa iconic role. Naikwento rin ni Jane sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na talagang naging emosyonal siya nang isuot pa lang ang helmet na bahagi ng costume niya bilang si Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel