Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Andre Yllana patungkol sa kanyang amang si Jomari

- Bagaman at maayos ang kanilang realsyon sa ngayon dahil nakaka-bonding niya ito, may ilan siyang paalaalala sa ama

- Pinayuhan niya ang ama na sana'y habang bata pa ang kanyang mga kapatid, huwag nitong sayangin ang pagkakataong mapalapit sa mga ito

- Dahil sa ipinakikitang maturity ng anak, kapansin-pansin naman ang pagiging isang proud mom ni Aiko Melendez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Andre Yllana ang naging panauhin ng kanyang inang si Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel na ipinalabas ngayong Agosto 14.

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"
Andre Yllana (@andreyllana)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano sa kanilang napag-usapan ay ang ama ni Andre na si Jomari Yllana.

Natanong ni Aiko kung ano ang mensahe ni Andre para kay Jomari lalo na at nilarawan nitong nasa 'best state' silang mag-ama.

Read also

Herlene Budol, may nilinaw sa nasabi noon ni Miss Manila sa kanya; "'di ko alam na scripted"

"So far so good... Dad kung napapanood mo 'to, hindi ko pa nasasabi sa'yo to e. Pero minsan kasi may bagay na it's too late na. Siguro 'yung thirst ko for a father dati, hindi na rin ganoon ka... Sa totoo lang ah. Kumbaga, kung dati, grabe akong maghabol kay dad... Siguro nasanay na rin ako na wla siya," ani Andre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbiro pa ito na mag-diet na sana ang ama na napapansin niyang dumadagdag ang timbang.

"Sana 'yung mga mistake mo sa'kin dati 'wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko... 'Yun ang message ko sa'yo dad"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Andre mula sa Aiko Melendez YouTube channel:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.

Read also

Herlene Budol, aminadong hindi agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas

Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 800,000 na subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel