Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

- Bumilib umano si Cristy Fermin sa kung paano sinagot ni Neil Arce ang mga isyung ipinupukol sa kanila ng misis na si Angel Locsin

- Ani Cristy, bagaman at may patama umano, masasabi niyang magandang atake pa rin ang ginawa na ito ni Neil

- Isa rin si Cristy sa nakiusap sa publiko na irespeto na muna ang pananahimik ng mag-asawa

- Malinaw din umanong fake news lamang ng mga umano'y malisyosong tao ang naturang tsimis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humanga umano si Cristy Fermin kay Neil Arce sa kung paano nito sinagot at nagbigay reaksyon sa ipinupukol sa kanila ng publiko.

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu
Angel Locsin and Neil Arce (@neil_arce)
Source: Instagram

Matatandaang, isa sa mga hinala ng netizens kung bakit wala umanong paramdam sa social media ang misis ni Neil na si Angel Locsin ay dahil nagkakalabuan umano ang mag-asawa.

At ang itinuturong dahilan 'di umano ay ang pakikipagkita ni Neil sa ex-girlfriend nitong si Maxene Magalona na halos kakahiwalay lang sa asawa.

Read also

Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"

Pinabulaanan ito ni Neil sa paraang ipinaalala pa niya ang pagiging matulungin nila ng misis na tila tulong na lamang nila sa mga nagpapakalat ng 'fake news' ang naturang isyu kahit wala itong katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang sakit nun. Suntok 'yun. Maganda pa rin ang atake. 'yun ang pinakamagandang atake na magagawa sa ganitong klase ng senaryo na ano ba, hindi naman totoo 'yang mga inikalat niyo. Pero sige pa rin kayo ng sige," ani Cristy.

"Ibigay na lang natin sa kanila 'yun kasi may tamang panahon sa pagharap nila sa issue na ito," dagdag pa nito.

"Basta ang malinaw, fake news po 'yung hiwalay na sila ni Angel Locsin. Fake news po yung nagdadalang-tao si Maxene Magalona at siya ang ama, Fake news po 'yung binugbog siya at kung ano-ano pang senaryo na malayo po talaga sa katotohanan," pahayag ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"

Narito ang kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel