Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"

Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"

- Isa sa mga natalakay sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang nadadalas umanong pag-prank ni Alex sa kanyang Mommy Pinty.

- Tila nauubusan na raw ng maiko-content si Alex Gonzaga sa kanyang mga vlog

- Kaya naman ang nadadalas nitong gawin ay ang pag-prank sa kanilang ina na hindi na raw umano ikinatutuwa ng ilan

- Dahil dito, pinuna kay Alex ang umano'y kawalang respeto niya kanyang magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nauubusan na umano si Alex Gonzaga nang gagawing content sa kanyang mga videos.

Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"
Cristy sa umano'y pag-prank ni Alex kay Mommy Pinty: "hinahanapan siya ng pagrespeto"
Source: Facebook

Napansin ito nina Cristy Fermin na labis nabahala gayung isa sa mga nadadalas na gawin ni Alex sa kanyang mga video ay ang pag-prank sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang Mommy Pinty.

"Lumalampas na po si Alex sa linya ng kagandahang asal. Marami na po siyang ginagawa na hindi katanggap-tanggap ng publiko lalo ng kanyang mga viewers. Naghahanap po ng bago pero ang bago po niyang binibigay ay taliwas po sa inaasahan ng kanyang manonood," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin, hanga kay Neil Arce sa 'magandang atake' nito sa pagsagot sa isyu

Gayunpaman, sa kabila ng mga ganitong klaseng content ni Alex, malaki pa rin umano ang kinikita nito sa kanyang YouTube channel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

''Yung pagba-vlog na ito ni Alex Gonzaga, daig pa po nito ang kumikita siya sa pelikula at telebisyon... Napakataas po ng kanyang kinikita. Buhay na buhay, napakalaki po ng kinikita niya buwan-buwan."

Gayunpaman, nakaaalarma umano ang mga ginagawa ni Alex na madalas na mapuna na rin ng nakakapanood nito.

"'Yung mga komento po ng ating mga kababayan lalo na ng ating mga bashers na Kristyano pa naman kayo. Pero ano ang pinakikita mo sa publiko?"

"Hindi gawain ng Kristyano na gawing laruan ang mga magulang," ani Cristy.

Gayunpaman, pinayuhan nila si Alex na magbasa raw dapat ito ng mga komento ukol sa kanya.

"Kasi yung mga komento na ganito, ke negatibo, ke positibo, Doon sa pinaka negatibo, makakakita pa rin tayo ng magandang punto"

Read also

Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, natalakay din nina Cristy sa Showbiz Now Na! ang lagay naman ng career ni Jake Zyrus sa Amerika. Bukod sa wala raw itong permanenteng tirahan, hindi na rin umano ito natulungan pa ni ng record producer na si David Foster na siyang dati nang naniwala sa kanyang world-class talent bilang si Charice Pempengco noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel