Cristy Fermin, sinabing palipat-lipat umano ng tirahan si Jake Zyrus sa Amerika

Cristy Fermin, sinabing palipat-lipat umano ng tirahan si Jake Zyrus sa Amerika

- Muling nagbigay ng ilang detalye si Cristy Fermin patungkol kay Jake Zyrus na nasa Amerika

- Aniya, wala raw itong permanenteng tinitirahan sa Amerika

- Tulad daw ng unang napabalita, malaki umano ang posibilidad na hindi ito marunong makisama sa tinitirahan

- Aminado si Cristy ba nanghihinayang sa umano'y sinapit ng career ni Jake Zyrus

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendel Ramos ng Showbiz Now Na! ang umano'y mga kaganapan sa buhay ni Jake Zyrus.

Cristy Fermin, sinabing palipat-lipat umano ng tirahan si Jake Zyrus sa Amerika
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may nakarating umano kay Cristy na bagaman at nasa Ameirka si Jake, wala umano itong permanenteng addess.

"Baka katulad noong nangyari sa unang kumupkop kasi sa kanya, na wala kasi siyang pakisama sa mga kapitbahay" an Cristy.

"Kasi Dapat kung nakikipanirahan ka ,Alam mo yung ritmo ng iyong pinakikisamahan," paliwanag niya.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang, minsan na ngangn napabalitang nagkaproblema umano si Jake sa tinutuluyang bahay sa Amerika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakita on-screen nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ngayon ay si Jake Zyrus na.

Read also

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

Samantala, sa parehong episode ng Showbiz Now Na! kung saan napabalitaang walang permanenteng tirahan si Jake, naikwento rin ni Cristy Fermin na hindi na muling napagbigyan pa ng record producer na si David Foster si Jake.

Sinubukan umano ni Jake na lumapit pa sa tumatayong mentor niya sa international music scene subalit tila hindi na siya nabigyan pa muli nito ng proyekto gaya ng dati noong siya ay si Charice Pempengco pa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel