John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto

- Hopeful si John Lloyd Cruz na mapagbibigyan ang gusto ng mga fans na magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang proyekto

- Sa panayam sa kanya ni Nilson Canlas, sinabi niyang naghihintay lamang siya kung kailan pwede si Bea

- Magpapahinga muna siya bago mag-pasko dahil may mga trips sila kasama ang kanyang anak at magbabalik trabaho pagpasok ng 2023

- Kasalukuyang nasa season break ang sitcom niyang "Happy to Get Her" at magbabalik umano pagkatapos ng pasko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay John Lloyd Cruz, gusto niya rin na mapagbigyan ang mga fans na magkasama na sila ni Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto. Sa panayam sa kanya ni Nilson Canlas, sinabi niyang matagal na siyang nagihintay kung kailan pwede si Bea.

John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto
John Lloyd Cruz, gustong makasama si Bea Alonzo sa susunod niyang proyekto (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

Magpapahinga muna siya bago mag-pasko dahil may mga trips sila kasama ang kanyang anak at magbabalik trabaho pagpasok ng 2023. Kasalukuyang nasa season break ang sitcom niyang "Happy to Get Her" at magbabalik umano pagkatapos ng pasko.

Read also

Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel

Si John Lloyd Espidol Cruz ay isang Pinoy actor na naging bahagi ng Star Magic Batch 5. Una siyang sumikat nang mapabilang sa seryeng Tabing Ilog. Naging bahagi din siya ng mga seryeng It Might Be You, Maging Sino Ka Man, I ♥ Betty La Fea, at Imortal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, sa unang pagkakataon ay naibahagi ng rumored girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos ang picture ng aktor sa kanyang IG post. Nauna na rin niyang naibahagi ang mga pictures ng aktor ngunit sa Instagram stories lamang niya. Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang aktor na may hawak na isang aso at nakalagay sa caption ang mga salitang "bb1, bb2." Si Isabel ay isang artist na anak ng contemporary Filipino artists na sina Soler at Mona Santos.

Usap-usapan sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos matapos ibahagi ni Isabel ang pictures nilang magkasama. Sa post ni Isabel sa Instagram makikita na magkahawak-kamay pa sila sa isang event. Parehas silang nakasuot ng magagarang damit para sa red-carpet event na kanilang dinaluhan. Agad na umani ng reaksiyon ang post na ito ni Isabel na tila kumpirmasyon sa espikulasyong sila ay magkarelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel