Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel

Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel

- Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang channel na Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa naunsyaming guesting niya sa morning show nina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Ruffa Gutierrez sa All TV

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, baka nagbago ng line-up ng guest ang naturang show na pinamagatang M.O.M (Mhies On a Mission)

- Wala naman umanong problema kay Ogie ang pagkakakansela ng guesting niya at dapat ay matuwa na marami ang nabibigyan ng trabaho sa bagong TV network

- Dagdag pa niya, masaya siya para sa kanyang mga kaibigang sina Mariel, Ruffa at Ciara

Nakwento ni Ogie Diaz ang nakanselang guesting niya sa morning show na M.O.M (Mhies On a Mission) sa All TV. Nilinaw niyang ayos lang naman sa kanya ang nangyari dahil baka nagbago ng line-up ng guest ang naturang show.

Read also

Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya

Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel
Ogie Diaz, naibahaging kinansela ang kanyang guesting sa All TV Channel (@facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, masaya siya para sa mga kaibigang sina Mariel, Ruffa at Ciara. Pinagpapasalamat niyang nabibigyan ng trabaho ang ilan sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN sa pagbukas ng ALL TV.

Sa paglabas ng bagong palabas ay marami na raw mapagpipilian ang mga manonood.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Read also

Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel