Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin

Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin

- Nagsalita na si Neil Arce kaugnay sa pekeng balita tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Angel Locsin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa pahayag nito na binahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, sinabi ni Neil na charitable sila ng asawa niya

- Kaya naman donation na daw nilang mag-asawa ang kinita ng mga nagpapakalat ng fake news

- Dagdag pa niya, deserve din ng mga taong sumusuporta sa mga fake news peddlers ang makarinig ng kasinungalingan

Naibahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ang pahayag ni Neil Arce kaugnay sa lumabas na fake news tungkol sa kanila ng kanyang asawang si Angel Locsin. Inalmahan niya ang mga taong nagpapakalat ng fake news.

Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin
Neil Arce, umalma sa mga fake news na lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

Aniya, bilang mga matulungin naman sila ni Angel, donasyon na lamang nila sa mga nagpapakalat ng fake news ang kinita nila. Binanggit din niya ang mga taong sumusuporta at nag-subscribe sa mga nagpapakalat ng fake news. Aniya, deserve ng mga ito na makarinig ng kasinungalingan.

Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Read also

Maxene Magalona sa nagsabing "nagpa-renovate" siya ng ilong: "One of my favorite comments"

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel