Ogie Diaz sa umano'y nabuhay na isyu ng AlDub; "Sana maringgan din natin si Alden"

Ogie Diaz sa umano'y nabuhay na isyu ng AlDub; "Sana maringgan din natin si Alden"

- Tila muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine Mendoza ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Aniya mainam na magsalita na rin ito upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na walang naging on-screen partners lang sila

- Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu

- Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza, tila nabuhay ang umano'y kontrobersiya na nababalot sa fans ng dating love team na 'AlDub.'

Ogie Diaz sa umano'y nabuhay na isyu ng AlDub; "Sana maringgan din natin si Alden"
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Facebook

Matatandaang dati nang pinabulaanan ni Maine na walang katotohanang naging real-life couple sila ni Alden at mas lalong walang katotohanan na sila ay ikinasal at nagkaroon pa ng anak.

Ito ay muli niyang nabanggit sa panayam sa kanya ni Ogie lalo na at magpasahanggang ngayon umano, 'kapit na kapit' daw ang kanilang fans na sila ay totoong magkarelasyon ni Alden.

Dahil dito, nai-suggest ni Ogie D na sana'y magsalita na rin si Alden ukol sa isyu na ito lalo na at nabanggit ni Maine na kahit siya na mismo ang nagdi-direct message sa kanilang mga fans ay hindi pa rin siya pinaniniwalaan ng ilan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sana maringgan din natin si Alden. Kung ano naman ang kanyang panig or stand sa isyung ito. Kasi si Alden, umattend pa doon sa naturang pagtitipon at naturang reunion. Kasi ganun si Alden, grabe niyang mahalin ang kanyang fans," ani Ogie.

Sinabi rin nito na ganoon din naman magmahal si Maine sa kanilang mga fans subalit ayaw lang nitong magsinungaling sa totoong estado nila ni Alden.

Dagdag pa ni Ogie, sana'y maglabas na rin ng pahayag ang Eat Bulaga kung saan naganap ang 'KalyeSerye' ng AlDub patungkol sa kontrobersiyang ito tulad na lang ng mungkahi ng ilang netizens.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Halos isang araw lang nang maipalabas ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza ay lumabas ang video ng umano'y pagtitipon ng AlDub Nation.

Makikita sa video na patapos nang kumanta ang mga umano'y miyembro ng 'AlDubNation' ng awiting "If we hold on together" habang may hawak silang kandila.

Matapos nga ang awitin, nasambit pa nila ang "Mabuhay ang Aldub nation," "Mabuhay si Alden," "Mabuhay si Maine," "Mabuhay ang Aldub"

Matatandaang kamakailan lamang, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maine, nabanggit nito ang tungkol sa kanyang AlDub fans na tila hindi pa rin matanggap na siya ay engaged na kay Arjo Atayde at si Alden ay pawang naka-love team lang niya sa Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel