Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"

Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"

- Naibahagi ni Isabelle Daza kung paano ang pagpapalaki sa kanila ng inang si Gloria Diaz

- Aniya, hindi nila naramdamang sobrang yaman nila at napanatili ang pagiging mapagpakumbaba

- Isang halimbawa nito ay ang hindi pagpapagamit sa kanila noon ng aircon

- At sa tuwing kakain sila sa restaurant, hindi rin sila basta nakaka-order ng drinks na patunay umanong simple pa rin ang kanilang naging pamumuhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naikwento ni Isabelle Daza sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ay sa kung paano sila pinalaki ng inang si Gloria Diaz.

Isabelle sa pagpapalaki ng inang si Gloria Diaz; "Never naming na-feel na sobrang yaman kami"
Isabelle and Gloria (@isabelledaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na aminadong 'privileged' si Isabelle bilang kilalang aktres at beauty queen ang ina dahilan upang mabilis din siyang makilala sa showbiz.

Subalit kailanman, hindi raw nila naramdamang sobrang yaman sila o nakaaangat sa lipunan dahil na rin sa pagiging mapagpakumbaba na itinuro sa kanila ng kanyang ina.

Read also

Isabelle Daza, aminadong di kailanman nagkaroon ng karelasyon sa showbiz

"Pero you know what, growing up wiht my mom neven naming na-feel na sobrang yaman or whatever. Aircon nga hindi kami allowed na may aircon... When we go to a restaurant, 'di kami allowed na mag-order ng drinks 'yung ganun," iyon umano ang training sa kanila ng ina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado rin si Isabelle na ganoon na rin niya halos napapalaki ang kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Isabelle Diaz Daza-Semblat ay isang Filipino actress, television host atmodel. Siya ay anak ni Miss Universe 1969 titleholder, Gloria Diaz. Ikinasal si Belle kay Adrien Semlat noong 2016 at nabiyayaan na sila ng dalawang anak.

Samantala, si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam na niya ang mga kilalang personalidad sa bansa maoa-showbiz man o pulitika o maging ordinaryong tao na nagbigay inspirasyon sa atin.

Siya rin ang nakapag-interview kay President Bongbong Marcos kung saan nai-tour pa siya nito sa Malacanang

Isa ang programa niyang 'Toni' ang sa mga mapapanod sa AMBS 2 o ALLTV mula Lunes hanggang Biyernes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel