Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7

Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7

- Binahagi ni Heart Evangelista ang vlog niya sa naganap na event ng isang brand sa Singapore

- Sa isang bahagi ng video ay makikita si Heart na nakaupo at nagsasabing nagkukunwari lang siyang walang pakialam

- Ang totoo umano ay nastress siya dahil sa katabi niya ang miyembro ng grupong Got7 na si Yugyeom

- Marami na naman sa mga KPop fans ang napa-sana all kay Heart na madalas ay nakakaharap ang mga sikat na personalidad sa iba't-ibang bansang kanyang pinupuntahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Heart Evangelista sa kanyang reaksiyon nang makatabi niya sa isang fashion event sa Singapore ang miyembro ng grupong Got7 na si Yugyeom. Ayon sa kanya ay nagkukunwari lang siyang walang pake ngunit na-stress din umano siya.

Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7
Heart Evangelista, na-stress umano dahil katabi niya si Yugyeom ng Got7 (@iamhearte)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, para yun sa mga KPop fans. Marami naman sa mga KPop fans ang napa-sana all kay Heart na madalas ay nakakaharap ang mga sikat na personalidad sa iba't-ibang bansang kanyang pinupuntahan.

Read also

Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor

"Kunwari lang wala akong pake pero stressed ako. Yung katabi ko.. Para sa inyo 'to," ani Heart.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Xian Gaza, kinaaliwan ng netizens sa biro niya kay Rosmar Tan

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel