Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor

Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor

- Ayon kay Ian Veneracion, pabalik siya sa Manila mula Iloilo nang mapadaan siya sa isang aeronautical school

- Nakatakip ang kanyang mukha nang humarap siya sa mga estudyante at magtanong

- Kinalaunan ay tinanggal niya ang takip sa mukha niya dahilan para magpalakpakan ang mga estudyante

- Isa siyang licensed private pilot, skydiver, paragliding pilot at scuba diver

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ian Veneracion ang video ng kanyang pagsubok maging substitute professor sa isang aeronautical school. Aniya, habang naghihintay sa kanyang flight ay nadaanan niya ang naturang paaralan.

Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor
Ian Veneracion, sinorpresa ang mga estudyante nang maging substitute professor (@ianveneracion1)
Source: Instagram
Iloilo to Manila: While waiting for my flight, I passed by an aeronautical school; mag-substitute professor kaya ako?

Makikita sa video ang pagpapakilala niya bilang si Capt. V. Gayunpaman, habang nakaharap sa klase ay nakatakip ang kanyang ilong at bibig at ang kanyang mata lamang ang nakikita.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Nagtanong siya sa klase at kinalaunan ay tinanggal din niya ang takip sa kanyang mukha para magpa-picture sa estudyanteng nakakasagot sa kanyang mga tanong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang napa-sana all sa karanasan na ito ng mga estudyante:

Pag ganyan naman talaga di na ko aabsent sa school na ko matutulog.
That was so cool surprising the students!
Wow naman...nakakainspire mag aral pag ganyan ang instructor mo

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Read also

Julia Barretto, pinuna ang mga press dahil maingay sa media conference

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel