Gerald Anderson, nag-post ng kanyang pagbati sa birthday ni Julia Barretto

Gerald Anderson, nag-post ng kanyang pagbati sa birthday ni Julia Barretto

- Kabilang si Gerald Anderson sa mga nag-post ng kanilang pagbati sa pagdiriwang ng kaarawan ni Julia Barretto

- Wala na itong nilagay na kung ano pang mensahe kundi ang kanyang maikling pagbati kay Julia na tinawag niyang partner

- Kalakip sa mga picture na binahagi ni Gerald sa kanyang post ay ang picture ni Julia noong maliit pa siya

- Mayroon ding video kung saan sinamahan ni Gerald si Julia na magpaayos ng kanyang buhok sa salon

Binati ni Gerald Anderson si Julia Barretto sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang pictures nito. Isang maiksing pagbati lang ang binahagi ni Gerald para kay Julia na kanyang tinawag na kanyang partner.

Gerald Anderson, nag-post ng kanyang pagbati sa birthday ni Julia Barretto
Gerald Anderson, nag-post ng kanyang pagbati sa birthday ni Julia Barretto
Source: Instagram

Kabilang sa picture na binahagi ni Gerald ay ang picture ni Julia noong bata pa siya. Naroon din ang isang video clip kung saan nagpasalamat si Julia kay Gerald sa paghintay nito sa kanya habang nagpapaayos siya ng buhok niya sa salon.

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Kamakailan ay si Julia ang naging guest ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi. Bukod sa kanilang pag-uusap at karaoke habang nasa biyahe, tinuruan din ni Yassi si Julia ng dance steps ng "Tala". Sa huling bahagi ng video ay nagsalitan at nagpagalingan sina Yassi at Julia sa mga nakakapilit-dilang tagalog na tongue twisters. Kahit may lahing banyaga ay napabilib si Julia kay Yassi sa husay nito sa mga binigkas nilang tongue twisters.

Kinakiligan sina Julia at Gerald Anderson sa isang video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel. Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito. Sa huling bahagi ng video ay hindi tumanggi si Julia sa paanyayang isama siya sa exhibition sa dunk contest. Makikita din kung paano alagaan ni Julia si Gerald sa pamamagitan ng pagpunas ng pawis nito kapag nasa break ito mula sa paglalaro.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel