Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

- Nag-post si Gerald Anderson ng ilang pictures ng bagong gym niya na pinuntahan nila ng kanyang ina

- Kabilang ang kanyang daddy sa nagkomento sa kanyang post kung saan bumati ito at inihayag ang kanyang pagmamalaki sa anak

-

- Dinagsa naman ng pagbati si Gerald sa kanyang binahaging post

Binahagi ni Gerald Anderson ang pictures ng kanyang pagpunta sa isang malaking istraktura na para sa kanyang gym. Kabilang ang kanyang daddy sa nagkomento sa kanyang post kung saan bumati ito at inihayag ang kanyang pagmamalaki sa anak.

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym
Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym
Source: Instagram

Bukod sa kanyang daddy, ang kanyang kapatid na si Ken ay nagkomento din na tila kinakantiyawan ang kanilang ina.

VANGIE IS THE MOST ELITE.

Sinagot naman ito ng kanilang daddy at sinang-ayunan ang komento ni Ken.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

Bukod sa kanyang resort, kabilang sa mga negosyo ni Gerald ay ang basketball gym na mayroon nang tatlong branch.

Narito ang ilan sa mga komento sa post ni Gerald:

Looking forward to play on that gym once it’s finished.
So another branch pang ilang gym Nayan haha congrats Gerald business pa more
Ang yaman ni gerald. ang laki ng bagong gym!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Kim Chiu, kinaaliwan sa post niya tungkol sa aniya'y pinsan niya

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel