Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

- Ibinida ni Winwyn Marquez ang aniya'y #WYNningMOMents kung saan makikita ang husay ng anak niyang si Luna sa pagkilala ng mga larawan sa flashcards

- Bibong-bibo ito habang sumasagot at may karagdagang sinasabi pa tungkol sa mga bagay na binanggit niya

- Hindi din tinago ni Winwyn na proud siya sa anak na kadalasan niyang nakakasama sa kanyang mga post sa social media

- Umani naman ng papuri at komento ang video na binahaging ito ni Winwyn

Binahagi ni Winwyn Marquez ang aniya'y #WYNningMOMents kung saan makikita ang husay ng anak niyang si Luna sa pagkilala ng mga larawan sa flashcards.

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"
Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"
Source: Instagram

Hindi rin pinagkaila ni Winwyn na pinagmamalaki niya ang anak na kinakaaliwan ng karamihan sa social media dahil sa kabibuhan nito.

Bibong-bibo ito habang sumasagot at may karagdagang sinasabi pa tungkol sa mga bagay na binanggit niya.

Read also

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

Wair for it......... hay my anak! proud mama here #WYNningMOMents

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani naman ng papuri at komento ang video na binahaging ito ni Winwyn. Narito ang ilang komento:

Super cute mo talaga baby Luna
Nag isip talaga si Luna
Aaawww.. nakita ko na naman happy pill ko

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Sa kanyang Instagram post, unang pinakilala ni Winwyn ang kanyang baby girl na kanilang pinangalanang Luna Teresita Rayn. Ibinahagi niya rin ang ilang natanggap niyang regalo matapos niya manganak at pinasalamatan niya ang mga nagbigay nito sa pamamagitan ng kanyang IG stories. Bumuhos naman ang pagbati para kay Winwyn mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Matatandaang sa kanyang binahaging video ng gender reveal party ay naroroon ang kanyang amang si Joey Marquez at kanyang inang si Alma Moreno.

Read also

Kim Chiu, kinaaliwan sa post niya tungkol sa aniya'y pinsan niya

Matatandaang nag-post si Winwyn ng video kung saan makikitang nakatalikod siya sa camera kamakailan. Hindi niya napansin na nakasilip sa camera ang anak niyang si Luna kaya natatakpan siya habang sumasayaw. Hirit ni Winwyn, gusto lang daw niyang makisabay sa water challenge trend pero ayaw sumali ng anak niya. Marami naman ang natuwa at naaliw sa video na ito ng mag-ina na binahagi ni Winwyn sa Instagram.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel