WinWyn Marquez, isinapubliko ang picture ng kanyang baby Luna Teresita Rayn

WinWyn Marquez, isinapubliko ang picture ng kanyang baby Luna Teresita Rayn

- Sa kanyang Instagram post, pinakilala ni Winwyn Marquez ang kanyang baby girl na kanilang pinangalanang Luna Teresita Rayn

- Ibinahagi niya rin ang ilang natanggap niyang regalo matapos niya manganak at pinasalamatan niya ang mga nagbigay nito sa pamamagitan ng kanyang IG stories

- Bumuhos naman ang pagbati para kay Winwyn mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz

- Matatandaang sa kanyang binahaging video ng gender reveal party ay naroroon ang kanyang amang si Joey Marquez at kanyang inang si Alma Moreno

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Buong pagmamalaking binahagi ni Winwyn Marquez ang picture ng kanyang baby. Sa unang pagkakataon ay pinakilala ni Winwyn ang kanyang baby girl na kanilang pinangalanang Luna Teresita Rayn.

WinWyn Marquez, isinapubliko ang picture ng kanyang baby Luna Teresita Rayn
Winwyn Marquez (@teresitassen)
Source: Instagram

Bukod sa mga artistang kasamahan niya sa trabaho, marami din sa kanyang kapwa beauy queen ay nagpaabot ng kanilang pagbati kay Winwyn.

Kabilang sina Enzo Pineda, Carla Abellana, Rochelle Pangilinan, Rodjun Cruz, Eva Patalinjug, MJ Lastimosa at marami pang iba sa mga bumati sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang masayang binahagi ni Winwyn ang kaganapan sa kanilang dinaos na gender reveal party. Dinaluhan ng kanyang pamilya at naroon din sa party ang kanyang partner. Para sa ama ni Winwyn na si Joey, gusto niyang babae ang kanyang magiging unang apo sa anak. Kaya naman, tuwang-tuwa ito nang malamang babae ang pinagbubuntis ni Winwyn.

Samantala, narito ang ilan sa mensahe ng mga netizens kay Winwyn:

Congratulations on your new journey, Miss Wyn. Welcome to the Motherhood stage of your life!
Congratulations to you both and fam. All best wishes and be in good health to your baby. Thank you for sharing a joyful news.

I could sense your daughter would be just like you and tyang Melanie. A Beauty Queen title holder! Aabangan namin yan! Congratulations sis!

Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala sa kanyang screen name na Winwyn Marquez ay isang actress, model, dancer at beauty queen na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Anak siya ng komedyanteng si Joey Marquez at Alma Moreno. Kamakailan ay kinaaliwan ang sayaw ng mag-inang Winwyn at Alma.

Sinagot din ni Winwyn ang pang-uudyok sa kanya ng ilang netizens na sumali siya sa Miss Universe.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel