Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

- Binalikan ni Gabby Eigenmann na hindi na raw siya nabati ni Jaclyn Jose noong March 2

- Aniya, consistent ang kanyang Tita Jane sa pagbati sa kanya at kadalasang alas 11 daw ito bumabati sa kanya

- Hindi naman daw niya dinamdam nang hindi siya nabati ni Jaclyn dahil inisip niyang baka abala lang talaga ito sa trabaho

- Matatandaang sa nilabas na pahayag ni Andi ay March 2 pumanaw si Jaclyn ngunit March 3 na nang makita siya na walang buhay

Inaabangan daw lagi ni Gabby Eigenmann ang pagbati sa kanya ni Jaclyn Jose dahil consistent daw ito sa pagbati sa kanya tuwing kaarawan niya. March 2 ang kanyang kaarawan at sa nilabas na pahayag ni Andi ay March 2 pumanaw si Jaclyn ngunit March 3 na nang makita siya na walang buhay.

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2
Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2
Source: Youtube

Sa panayam na binahagi sa YouTube channel ni Allan Diones, sinabi niyang hindi naman niya ikinasama ng loob niya na hindi ito nakabati sa kanya. Inisip niyang baka abala lang talaga ito sa trabaho.

Read also

Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma' Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Matatandaang sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenmann kung saan kasama niya ang kanyang pamilya, napakomento ang ina niyang si Jaclyn. Hindi nito napigilang ibahagi ang saloobin sa masayang buhay ng anak kasama ang kanyang sariling pamilya. Napatanong pa ito kung pwede siyang sumali sa masarap na buhay ng pamilya ni Andi sa Siargao. Sinagot naman siya ni Andi at inayang pumunta na rin ito sa kanila sa Siargao.

Nagbabala si Jaclyn sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko. Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya. Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya. Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel