Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

- Nagbabala si Jaclyn Jose sa umano'y gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

- Sa binahagi niyang picture ng conversation ay makikita ang taong gumagamit ng pangalan niya para makapangutang umano sa ilang kakilala niya

- Ani Jaclyn, na-hack umano ang kanyang cellphone kaya huwag maniniwala sa taong nangungutang gamit ang pangalan niya

- Mabuti na lamang at nalaman niya ang tungkol dito kaya agad siyang nag-post upang mabigyang babala ang kanyang mga kakilala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jaclyn Jose, na-hack ang kanyang cellphone kaya nagagamit ng hindi pa niya nakikilalang tao ang pangalan niya para makakuha ng pera sa mga kakilala ng aktres. Nilinaw niyang hindi siya iyon.

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko
Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko (@jaclynjose)
Source: Instagram
Pls ignore if some one is asking for money na hacked po phone...hindi po ako yun.

Nabahagi din ng award-winning actress na naging biktima din umano siya ng mga ito.

Ang style kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko....ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito..

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hinala niya, taga industry din umano ito.

I think taga industry ito ..alam nia ang zoom( meaning d puede video call kasi nasa zoom

Ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay isang Pinay actress na ginawaran ng acting awards hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa. Ilan sa pinakasumikat niyang pelikula ay Private Show, White Slavery, at Santa Juana.

Kamakailan ay binahagi ni Andi Eigenmann ang isang video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent." Base sa naturang video, ang ibig sabihin umano ng pagkakaroon ng ganoong uri ng magulang ay pagiging emotional at immature. Ang video na kanyang binahagi ay post ng psychologist na si Dr. Nicole LePera sa kanyang Instagram account. Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan ang post ng ina niyang si Jaclyn tungkol sa hindi nila pagbati ni Philmar Alipayo sa kaarawan niya.

Nag-post din si Jaclyn sa social media ng kanyang nakakaantig na pagbati para sa kanyang apong si Ellie. Si Ellie ang panganay na anak ni Andi na nagdiwang ng kanyang ika-11 na kaarawan. Binahagi ni Jaclyn ang throwback picture ng pinakamamahal niyang apo. Binati niya ng maligayang kaarawan ang apo na kanyang tinawag na "Sunshine."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel