Jessa Zaragoza, isinugod sa ER dahil sa matinding pananakit ng tiyan

Jessa Zaragoza, isinugod sa ER dahil sa matinding pananakit ng tiyan

- Binahagi ni Jessa Zaragoza ang pagkakasugod sa kanya sa emergency room matapos siyang mamilipit sa sakit

- Aniya, inakala niyang kaya niya ang iniinda niya ngunit dahil sa tindi ng sakit ay nagpasya na siyang magpadala sa ospital

- Acute gastoentiritis with Mild dehydration umano ang sanhi ng pamimilipit niya sa sakit ng tiyan

- Naibahagi niya rin na kasalukuyan na siyang nagpapahinga matapos maospital at hinala niyang salarin ay ang nakain niya umanong pasta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jessa Zaragoza, nagpasya na siyang magpadala sa ospital dahil sa tindi ng pananakit ng kanyang tiyan. Acute gastoentiritis with Mild dehydration umano ang sanhi nito at hinala niyang salarin ay ang nakain niya umanong pasta.

Jessa Zaragoza, isinugod sa ER dahil sa matinding pananakit ng tiyan
Jessa Zaragoza, isinugod sa ER dahil sa matinding pananakit ng tiyan (@jessazaragoza)
Source: Instagram

Naitanong pa umano sa kanya ng doktor kung nasa anong lebel ang sakit na nararamdaman niya at aniya ay nasa level 10 ang sakit. Mabuti na lamang umano at natukoy na hindi pancreatitis ang sanhi ng sakit ng tiyan niya.

Read also

Jaclyn Jose, nagbabala kaugnay sa gumagamit ng pangalan niya para makapanloko

Naibahagi niya rin na kasalukuyan na siyang nagpapahinga matapos maospital at hinala niyang salarin ay ang nakain niya umanong pasta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala sa kanyang screen name na Jessa Zaragoza ay isang commercial model, singer at actress. Nakilala din siya sa bansag na "Phenomenal Diva." Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Sa Aking Puso, Di Ba'T Ikaw, Bakit Pa? at marami pang iba. Ikinasal siya sa kapwa mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong March 18, 2001.

Sa unang ulat ng KAMI, maituturing ng pamilya ni Jessa na isa sa pinaka-shocking na karanasan ang nangyari kay Dingdong Avanzado. Umuwi umano ito mula sa kanyang paglalaro ng golf na nahihilo matapos siyang kuyugin ng mga bubuyog. Dahil sa kanyang pag-aalala ay sinabihan ni Jessa ang mister na magpasugod na sa ospital ngunit umayaw umano ito. Gayunpaman, napilitan siyang magpa-ospital matapos siyang pagsabihan ng anak at kinalaunan ay naging maayos na umano ang kalagayan nito.

Samantala, sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila. Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel