Andi Eigenmann, nagpost ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent"

Andi Eigenmann, nagpost ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent"

- Binahagi ni Andi Eigenmann ang isang video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent"

- Base sa naturang video, ang ibig sabihin umano ng pagkakaroon ng ganoong uri ng magulang ay pagiging emotional at immature

- Ang video na kanyang binahagi ay post ng psychologist na si Dr. Nicole LePera sa kanyang Instagram account

- Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan ang post ng ina niyang si Jaclyn Jose tungkol sa hindi nila pagbati ni Philmar Alipayo sa kaarawan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram Stories ang isang video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent". Ito ay sa gitna ng isyu kaugnay sa post ng ina niyang si Jaclyn Jose tungkol sa hindi nila pagbati ni Philmar Alipayo sa kaarawan niya.

Andi Eigenmann, nagpot ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent"
Andi Eigenmann, nagpot ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent" (@andieigengirl)
Source: Instagram

Ang video na kanyang binahagi ay post ng psychologist na si Dr. Nicole LePera sa kanyang Instagram account.

Andi Eigenmann, nagpot ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent"
Andi Eigenmann, nagpot ng video tungkol sa pagkakaroon ng "narcissistic parent" (@andieigengirl)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Base sa naturang video, ang ibig sabihin umano ng pagkakaroon ng ganoong uri ng magulang ay pagiging emotional at immature.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Pinakita ni Andi sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Sa kanyang vlog ay pinakita ni Andi ang kanilang simpleng date sa pagdiriwang nila ni Philmar ng kanilang anniversary. Ito ay naganap sa kanilang pagpunta kamakailan sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa. Sa isang bahagi ng video ay makikitang kumakain sila ng mais ni Philmar at nasabi ni Andi na ito umano ang kanilang "best anniversary date ever." Marami naman ang natuwa at lalong humanga sa pamilya ni Andi na masaya sa kahit simpleng mga bagay sa kanilang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel