Ellie Ejercito, kinabiliban matapos nitong piliing sumama sa pagpupulot ng basura kesa mamasyal

Ellie Ejercito, kinabiliban matapos nitong piliing sumama sa pagpupulot ng basura kesa mamasyal

- Pinakita ni Andi Eigenmann sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao

- Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako

- Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort

- Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran

Natawa na lang si Andi Eigenmann matapos niyang yayain ang anak na si Ellie Ejercito para sumamasa kanya sa isang resort sa kanilang lugar. Ani Andi, nasa edad si Ellie na mas pipiliin nitong magpulot ng basura kasama ang mga kaibigan kesa mamasyal kasama siya.

Ellie Ejercito, kinabiliban matapos nitong piliing sumama sa pagpupulot ng basura kesa mamasyal
Andi Eigenmann at Ellie Ejercito (@andieigengirl)
Source: Instagram

Kasama ni Ellie ang kanyang mga kapwa kabataan at marami silang naglalakad habang namumulot ng kalat. Marami ang natuwa hindi lamang kay Ellie kundi maging sa mga kabataang kasama niya dahil sa pinapakita nilang pagmamalasakit sa kalikasan.

Read also

Herlene Budol, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang Lola Bireng

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers ni Andi:

Nakakatuwa si Ellie . Grabe, imagine apo ng dating Presidente pero nag pupulot ng basura . Tapos yung iba jan di man lang matapon ng maayos yung mga basura nila. Grabe nakakatuwa at nakaka inspire kayong family.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wow Ellie is so cute going with her friends para sa street clean up nila...ang galing.
ng galing naman jan sa lugar nyo...ang mga teenagers ang naglilinis ng lugar nyo! Kudos sa inyong lahat!

Si Ellie Ejercito ang panganay na anak ni Andi Eigenmann sa dati nitong boyfriend na si Jake Ejercito. Matapos mapatunayan na si Jake ang tunay na ama ni Ellie, aminado si Jake na nagulat siya ngunit natuwa siya sa nalaman.

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Kamakailan ay maraming naaliw sa pagiging protective na ama ni Jake kay Ellie. Ito ay nang punahin niya ang maikling shorts na suot ng anak. Agad namang hinila ni Ellie ang suot na shorts para magmukha itong mas mahaba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel