Herlene Budol, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang Lola Bireng

Herlene Budol, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang Lola Bireng

- Nagdadalamhati si Herlene Budol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na Lola Bireng nitong Lunes, alas 9:00 ng umaga

- Aniya, napakahirap sa kanya na isulat ang kanyang saloobin sa kanyang post dahil sa pagkawala ng espesyal na tao sa buhay niya

- Sa nakalipas na buwan ay nakipaglaban umani ang kanyang lola sa sa kidney failure, high blood pressure, diabetis at pneumonia

- Pinakamasakit umano para sa kanya na makitang nagdurusa ang kanyang lola sa mga huling oras nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hirap man si Herlene Budol ay naibahagi niya ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na Lola Bireng. Pinakamasakit umano para sa kanya na makitang nagdurusa ang kanyang lola sa mga huling oras nito.

Herlene Budol, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang Lola Bireng
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay sinabi ni Herlene na nagkaroon na rin ng kumplikasyon ang sakit ng kanyang lola dala na rin ng kanyang edad. Sa nakalipas na buwan ay nakipaglaban umano ang kanyang lola sa sa kidney failure, high blood pressure, diabetes at pneumonia.

Read also

Madam Inutz, emosyonal nang mag-unbox ng kanyang YouTube silver play button

Sa naka lipas ng isang buwan, matapang siyang lumaban sa kidney failure at sakit due to ageing ay marami narin komplikasyon tulad ng High blood, diabetic at pneumonia at ang pinaka masakit ang makita siyang nag durusa sa mga huling oras na iyon ay napaka hirap.

Nangako pa umano ang kanyang lola sa kanyang manager na si Sir Wilbert Tolentino na manonood ito sa coronaton night ng Binibining Pilipinas kung saan isa si Herlene sa mga kalahok.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nanay ko...nangako ka kay @sirwil75 makakapunta kayo ni Tatay Oreng sa Binibining Pilipinas Coronation nyt ko.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Read also

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel