Madam Inutz, emosyonal nang mag-unbox ng kanyang YouTube silver play button

Madam Inutz, emosyonal nang mag-unbox ng kanyang YouTube silver play button

- Nasurpresa at naluha si Madam Inutz nang mag-unbox siya ng kanyang silver play button ng YouTube

- Ito ay dahil umabot na noon ng mahigit 100,000 subscribers ang kanyang YouTube channel

- Bukod sa kanyang mga subscribers na siyang dahilan umano ng pagkakaroon ng silver play button, labis-labis din ang pasasalamat niya kay Wilbert Tolentino

- Inaasahang makakamit na rin niya ang kanyang gold play button gayung mayroon na siyang 1 million subscribers sa loob lang ng ilang mga buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natanggap na ni Madam Inutz ang kanyang siver play button mula sa YouTube dahil sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers.

Madam Inutz, emosyonal nang mag-unbox ng kanyang YouTube silver play button
Madam Inutz (Madam Inutz YouTube channel)
Source: Facebook

Naisipang siyang isurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na naghanda pa ng salo-salo bilang selebrasyon.

Habang nagpapasalamat si Madam Inutz, talagang naluha siya nang bigyang pugay ang kabutihan sa kanya ng manager na si Wilbert.

"Hindi ko inaasahan na mangyayari. Dati nagtitinda ka lang, ngayon paunti-unti na siyang nagbabago. Sobrang thank you sir Wil," naluluhang nasabi ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inaasahang makakamit na rin ni Madam ang kanyang gold play button gayung umabot na ng 1 million ang kanyang Youtube channel.

Narito ang kabuuan ng kanyang unboxing video mula sa kanyang YouTube channel na Madam Inutz:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Katunayan, bahagi siya ngayon ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na 'My Papa Pi'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel