Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya

Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya

- Si Tom Rodriguez ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang mga nakakaintrigang Instagram post at pahayag

- Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Tom Rodriguez ng picture ng isang lalaking may nakatakip na tape sa bibig

- Kasunod nito ay sinagot niya ang mga komento ng ilang netizens sa kanyang post ng larawan ng atomic bomb explosion

- Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Read also

Kanta ni Jason Hernandez na pinamagatang "Saan," binalikan ng netizens

Tom Rodriguez, binanggit ang tungkol sa gag order matapos tanungin tungkol sa kanyang panig
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Sa kanyang IG story ay picture ng isang lalaking may nakatakip na tape sa bibig ang kanyang binahagi. Matapos ang ilang buwang pananahimik sa Instagram ay ngayon lang muling nag-post si Tom.

Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya
Tom Rodriguez (@akosimangtomas)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya
Screenshot from @akosimangtomas/IG story
Source: Instagram

Maging si Carla ay wala ding nilalabas na pahayag kaugnay sa kanilang pinagdadaanan. Gayunpaman, may mga nakakalabas pa ring balita kaugnay sa napapabalitang paghihiwalay nila kagaya na lamang sa balitang naibabahagi ni Cristy Fermin sa kanyang programa.

Matapos mapagpiyestahan ng mga netizens ang post na ito ni Tom, burado na rin ito sa kanyang IG account sa kasalukuyan.

Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya
Tom Rodriguez (@akosimangtomas)
Source: Instagram

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Matatandaang inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na kinalaunan ay naging asawa na niyang si Tom Rodriguez. Nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na si Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel