Kanta ni Jason Hernandez na pinamagatang "Saan," binalikan ng netizens

Kanta ni Jason Hernandez na pinamagatang "Saan," binalikan ng netizens

- Sa kanyang binahaging video nitong Abril, marami sa mga netizens ang napaisip kung may pinagdadaanan ba ang song-writer na si Marvin Hernandez

- Ito ay noong mga panahong hindi pa nila inaamin ni Moira ang tungkol sa kanilang paghihiwalay matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa

- Base sa ulat ng ABS-CBN News, dalawang buwan nang umalis si Moira sa tirahan nila ni Jason nang isapubliko nila ang paghihiwalay

- Kaya naman, hindi napigilan ng netizens na balikan ang naturang video kung saan kinakanta niya ang awiting may pamagat na "Saan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mapanakit—ito ang karamihan sa mga paglalarawan ng netizens sa kantang naibahagi ni Jason Hernandez noong panahong hindi pa niya isinapubliko ang paghihiwalay nila ni Moira Dela Torre. Kaya naman, hindi napigilan ng netizens na balikan ang naturang video kung saan kinakanta niya ang awiting may pamagat na "Saan."

"Mapanakit" na kanta ni Jason Hernandez nitong Abril, binalikan ng netizens
Jason Hernandez (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post na kanyang binahagi noong April 11, kalakip ng video kung saan tumutugtog siya sa piano at kumakanta siya ay binahagi niya rin ang lyrics ng naturang kanta.

Saan

Saan na tatakbo kung ikaw ang takbuhan ko

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Saan magtatago ngayong sinara mo ang pinto?

Nasanay na tanging ako, ang kailangan mo, hindi ka naman masisi, na pinalaya ako

Saan na pupunta ngayon, na ayaw mo na

Saan magtutungo kapag ako ay nawawala

Ikaw lang ang naging gabay saaking buhay

Ba’t ko nga ba nagawa? Minahal naman kita

Base sa pinapahayag sa kanta, tungkol ito sa pagsisisi sa maling nagawa sa isang taong naging gabay niya sa kanyang buhay.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel