Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

- Si Ian Veneracion ang guest sa pinakabagong YouTube video ng journalist na si Karen Davila

- Dito ay makikita ang iba't-ibang talento ni Ian na isa din palang pintor kagaya ng kanyang ama

- Kabilang sa hinahanggaan sa aktor, bukod sa kanyang mga angking talento ay ang pagiging ama nito at mabuting asawa

- Naibahagi niya ang love story nila ng kanyang misis na si Pam Gallardo na 25 na taon niya nang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Ian Veneracion, na-challenge siya nang bagsakan siya ng telepono ng kanyang misis na si Pam Gallardo noong tinawagan niya ito. Hindi pa umano niya nakikita ito sa personal ngunit namili lamang siya sa mga calling cards na nakalagay sa isang shoe box habang nasa bahay siya ng kanyang kaibigan.

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis
Photo from Ian Veneracion (@ianveneracion1)
Source: Instagram

Bago umano niya tawagan ang number na nakapangalan kay Pam ay binalaan na siya ng kaibigan na huwag dahil masungit umano si Pam. Na-challenge umano siya kaya tinawagan niya.

Read also

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

Inakala niyang papansinin siya nito kaya nagulat siya nang bagsakan siya ng telepono dahil marami umano siyang ginagawa.

Napagtanto umano niyang hindi niya naiisip ang sarili niyang hindi kasama si Pam kaya kinasal sila sa kanyang edad na 22.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Parehas umano nilang desisyon ang tungkol sa pagiging private ng kanyang misis. Ayaw umano ni Pam ng atensiyon at nirerespeto umano iyon ni Ian.

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel